Black pepper (Piper Nigrum) o paminta sa tagalog ay isang uri ng prutas na may pangalang Peppercorn na pinapatuyo sa pamamagitan ng pagbilad sa araw at ginagawang pampalasa sa mga pagkain. Ito ay nagmula sa bansang India ngunit ang bansa na nangunguna sa paggawa at paglalabas ng paminta ay ang Vietnam.
Dahil sa taglay nitong anghang at kakaibang lasa ito ay tinaguriang hari ng mga pampalasa pero bukod dito, ang paminta din ay isang uri ng halamang gamot. Taglay nito ang Bitamina A, K, C, Manganese, Iron, Zinc, Calcium, Potassium, Fiber at iba pa. Narito ang mga benepisyo at masamang epekto ng maggamit ng black pepper o paminta.
Narito ang Magandang Benepisyo ng Paminta:
1. Gamot sa Buhok.
Ang paminta ay nakakatulong mapaganda ang buhok. Para magkaroon ng malago at maiwasan ang paglalagas ng buhok ihalo ang durog na paminta sa katas ng sibuyas at ilagay sa anit iwan ito ng 30 minuto bago hugasan at gamitan ng shampoo.
Gawin ito dalawang beses sa isang lingo. Kung gusto mong maalis ang balakubak sa iyong anit ihalo ang paminta sa curd at ipahid sa anit, iwan ito ng 30 minuto bago hugasan at makikita mo agad ang resulta ng malusog na anit at buhok.
2. Ginagawang Langis para sa Arthritis.
Ang langis na galing sa paminta ay mabisang panggamot sa sakit na Arthritis at pantanggal ng kirot sa mga boto. Ito ang proseso, kumuha ng maligamgam na langis ng paminta at ihalo sa mga langis na panghilot at imasahe sa katawan ng mga 5-7 minuto bawat gabi bago matulog.
3. Gamot sa kanser.
Ang paminta ay mayaman sa bitamina C at Bitamina A, carotene at flavonoids para labanan o maiwasan ang pagkakaroon ng kanser gaya ng kanser sa suso, prostate cancer o kanser sa glandula na nakapaikot sa maselang bahagi ng katawan ng mga lalake, kanser sa utak at kanser sa obaryo. Uminom lang ng luyang dilaw na may paminta araw araw para maiwasan ang mga nasabing sakit.
4. Pampababa ng Timbang.
Ang paminta ay nagtataglay ng piperine na nakakatulong sa pagbaba ng timbang at pagalis ng mga taba sa ating katawan. Uminum lang ng katas ng lemon na may paminta bawat umaga para mabawasan at bumaba ang timbang, gawin ito araw araw para sa magandang resulta.
5. Pampaganda ng balat.
Kumuha lang ng paminta at ipahid ito sa ating mukha para makakuha ng maganda at makinis na balat. Nakakatulong din ito upang maiwasan ang pagkakulubot ng balat at para maiwasan ang sakit na kanser.
6. Gamot para sa ubo at lagnat.
Ang paminta ay mabisang at mabilis na gamot para sa ubo at lagnat dahil ito ay madaling makita at mabili sa palengke, ihalo lang ang dinurog na paminta sa pulot o gatas at inumin.
7. Gamot sa Depresyon.
Para makatulong o makaiwas sa depresyon uminum lang ng paminta na may pulot bawat umaga at gabi, nakakatulong ito upang maipahinga ang ating mga utak. Nakakatulong din ito para mapabuti at mapatalas ang ating mga memorya.
8. Nakakatulong sa mabilis na pant.unaw ng pagkain.
Ang paminta ay nagtataglay ng piperine na nakakatulong sa mabilis na pantunaw ng pagkain dahil sa ito ay nagtataglay ng potassium na nagpapatibay sa ating pantunaw sa loob ng katawan. Nakakatulong din ito sa mga taong hirap sa pagdumi at sa mga nagtatae. Para maiwasan ang hirap sa pagdumi uminum lng ng isang baso ng gatas na may dinurog na paminta, para naman maiwasan ang pagtatae uminum o kumaen lang ng paminta araw araw
9. Gamot sa Almuranas.
Para maiwasan o gamotin ang almuranas kailangan mo lng kumaen ng paminta, black salt na may curd bawat umaga.
10. Gamot para sa mata.
Ang paminta ay mayaman sa Bitamina A na nakakatulong mapaganda, mapaayos, mapalinaw ang ating paningin. Para magkaroon ng malinaw na mata uminum ng cow ghee na galing sa bansang India na may dinurog na paminta at asukal. Inumin ito tuwing umaga at pagkatapos ay uminum ng maligamgam na tubig para sa magandang resulta.
Mga masamang epekto ng paminta sa ating katawan:
1. Epekto sa paghinga.
Ang pagkonsumo ng sobrang dami ng paminta ay nagdudulot ng hirap sa paghinga at mga problema sa baga gaya ng magsipol kapag humihinga at hika.
2. Epekto sa bato.
Ang pagkain ng paminta na hindi hinahalo sa pagkain ay nakakasira ng ating bato o kidney.
3. Epekto sa Buntis.
Ang pagkonsumo ng sobrang dami ng paminta ay pwedeng magdulot ng pagkalaglag ng bata sa sinapupunan ng mga buntis.
4. Epekto sa balat ng mga bata.
Ang paminta ay mainit na pwedeng magdulot ng pamumula o pagsusugat sa balat ng mga bata lalong lalo na sa kanilang mata.
Ngayong alam mo na ang benepisyo at masamang epekto ng paminta sa ating katawan, dapat nating itong gamitin ng maayos para makaiwas sa anu mang sakit.
0 Mga Komento