Sa henerasyon ngayon, halos karamihan sa atin ay nakadepende na sa iba’t ibang klase ng gamot maging ito man ay karagdagan sa ating aklusugan (supplement) o gamot na panglunas sa ating mga sakit. Sa Amerika, isang sanhi ng pagkamatay ang mga masasamang reaksyon ng katawan sa paggamit ng mga gamot.
Ito ay nagreresulta na iba’t ibang klase ng iniinom na gamot na umaabot na sa bilang na humigit 100,000 kaso ng pagkamatay at ang pagranas ng mahigit sa isa punto limang kaso ng mga tao na may malubhang “side-effect”. Malalaman natin sa pahinang ito ang ilan sa mga gamot na nagdudulot ng pagkawala ng ating memorya at ang masasamang epekto nito na nagreresulta sa iba’t -ibang sakit:
1. Epilepsy o pagkahimatay – pag-inom ng Dilatin o Phenytoin
2. Sleeping Pills tulad ng Lunesta, Ambien, at Sonata
3. Naproxen
4. Quinidine
5. Barbiturates – gaya ng nembutal, Amytal, Seconal, at Phenobarbital.
6. Lithium
7. Mga ginagamit na gamot sa chemotherapy
8. Interferons
9. Insulin
10. Mga “beta-blockers” lalo na iyong sa kondisyong “glaucoma”
11. Mga pampaampat kirot tulad ng morphine, codeine at heroin
12. Pagkakaroon ng Pakinson’s Disease gawa ng pag-inom ng glycopyrrolate, scopalamine at atropine.
13. Antihistamines o mga gamot sa “allergy”
14. Mga antibayotiko gaya ng “quinolones”
15. Methyldopa
16. Mga gamot laban sa pagkakaroon di-normal na pag-iisip ( Antipsychotics) tulad ng Mellaril at Haldol
17. Tricyclic antidepressants
18. Mga Steroids
19. Mga gamot gamit sa altapresyon
20. Mga gamot na ativan, Valium, Xanax, at Dalmane bilang Benzodiazepines
NARITO NAMAN ANG MGA MEDIKASYON NA NAGIGING SANHI NG PAGKAWALA NG ATING MEMORYA:
A. MGA GAMOT PAMPATULOG o SLEEPING PILLS.
Isa ito sa mapanganib at mataas ang potensyal sa pagkakawala ng iyong memorya. Napatunayan na ang pag-inom ng mga gamot na itoay katumbas ng pagiging lasing o pagiging “comatose”. Kaya naman ang mga taong umiinom nito ay hindi nakararanas ng natural na pagkatulog at pamamahinga ng kanilang mga utak.
Ang “Ambien” ay isa sa pinakakilalang uri ng gamot pampatulog at naturingan itong “the amnesia drug” dahil ang mga nakinom nito ay kadalasang naglalakad ng tulog, nakakaranas ng takot sa gabi, at kung anu-anong mga guni-guni. Maraming namang natural paraan upang tayo ay antukin imbis na uminom ng ganitong klase ng pampatulog.
B. STATIN DRUGS.
Ang mga uri ng gamot na ito ang siyang nakapagpapababa ng ating kolesterol na siya namang nakasasama sa ating memorya. Ito ay isang masamang epekto sa pag-inom ng mga gamot na ito. Ang isang kaapat na bahagi ng ating utak ay binubuo ng mga kolesterol na siyang mahalaga para sa kaalaman, pagbilis ng ating pag-iisip, at memorya.
Kaya naman ang mga gamot na nakapgapapbaba ng kolesterol ay tiyak na nakakaapekto rito. Kumunsulta sa iyong doktor at hangga’t maaari ay iwasan ang pagppareseta ng mga ganitong klase ng gamot kung ikaw ay may mataas na kolesterol o kaya nama’y mas mabuti pang maagang umiwas sa pagkakasakit.
3. KLASE NG GAMOT NA MAY “ANTI”.
Ang ilan sa mga ito ay ang “antibiotics”, “antipsychotics”, “antidepressants”,”antispasmodics”, “antihistamines”, at “antihypertensives”. Ang mag ito ay nakakaapekto sa antas ng iyong “acetylcholine”.
Ang sangkap na ito ang siyang gumagawa para sa iyong kaalaman at memorya at kung mababa ang antas nito, maaari kang maging malabo ang mata, nagkakaroon ng guni-guni, pagkalito sa iyong isipan, deliryo, dementia at pagkawala ng iyong memorya.
MGA DAPAT GAWIN:
Bago pa man uminom ng mga niresetang gamot para sa ating mga sakit, marapat na makipag-ugnayan sa ating doktor ukol sa mga masasamang maaring epekto nito sa katawan. Isa pa, magtanung ng ibang paraan tulad ng paggamit ng mga alternatibong gamot o natural at organikong mga gamot.
At kung kinakailangan na inumin ang mga gamot na ito, sabayan natin ito ng mga gawaing pisikal upang tayo ay maging aktibo tulad ng ehersisyo, malusog na pagkain ng prutas at gulay, pati na rin ang pag-inom ng mga natural na gamot para sa utak.
0 Mga Komento