Ang kanser ay isa sa pinakatalamak at pinakakilalang sakit na nagkakaroon ang mga tao ngayon. Maging lalake, babae, bata o matanda ka man ay maaari kang tamaan ng sakit na ito. Sa panahon ngayon, isa ang kondisyong ito ang patuloy ang pagtaas ng porsyento na sanhi ng pagkamatay.
Ang “Ovarian Cancer” ay isang kondisyong medikal kung saan ang mga selula sa obaryo ay nagiging normal at dumarami ng higit sa normal na sukat hanggang sa makabuo ito ng tumor. Ang tumor ay maaaring kumalat sa iba pang bahagi ng katawan. Ang mga sintomas nito ay karaniwang hindi matukoy ng maaga at hanggang sa naisawawalang bahala.
Kaya’t ating bigyan ng sapat na atensyon kung may kakaiba ng nararamdaman sa iyong katawan partikular na sa iyong matres. Ugaliin ding bumisita ng regular sa iyong doktor upang malaman ang kalusugan ng mga ito at maging maagap sa anumang sakit na maaaring dumapo sa iyo.
Narito ang Apat na Sintomas ng “Ovarian Canser” na dapat niyong malaman:
A. Pananakit ng likod at kirot sa iyong balakang.
A. Pananakit ng likod at kirot sa iyong balakang.
Ang pananakit ng mga bahaging ito habang may buwanang regla ay normal ngunit kung ito ay tumatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo ay kakaiba na at kailangan ng ipasuri sa doktor.
Kung ang sitwasyong ito ay makikita lalo na sa mga kababaihan na bago ng kanilang pagme-menopause. Kaya’t kung mapansin na tumatagal ang pananakit ay pumunta na sa iyong doktor kaagad.
B. Napapadalas na pag-ihi.
Kung ikaw ay nakararanas ng madalas na pagpunta sa palikuran upang umihi at ito ay umaabot na ng lagpas sa tatalong linggo na walang pagkakaiba ngunit hindi naman nagbabago ang dami ng tubig o likidong iyong naiinom ay kumunsulta na sa iyong doktor agad-agad. Ang sitwasyong ito ay isang palatandaan na may tumor na sa iyoang matres na nag-uumpisang lumaki.
C. Hirap sa pagkain at pagkabusog na mabilis.
kung ikaw ay nawawalan ng gana sa pagkain at madaling nakararamdam ng kabusugan sa kabila ng kaunti lamang ang nakakain ay nangangailangan na ng agarang atensyon ng doktor. Ito ay sintomas na ang buo mong tiyan ay naaapektuhan kaugnay na rin ang iyong pagdumi at pananakit mga bituka na maaari kang may sakit na kanser.
D. Patuloy na paglaki ng iyong tiyan.
Ang patuloy na pamamaga at paglaki ng iyong tiyan ay isang sintomas at hindi na normal. Ito ay palatandaan na ang tumor ay lumalaki at kailangan ng kumunsulta sa doktor para sa gamutan.
Kung ikaw ay may nakitaan ng ilan sa mga sintomas na ito, kailangang kumilos agad at magdesisyon na magpatingin hangga’t hindi pa huli ang lahat. Marapat nating malaman na ang sakit na ito ay walang gamot ngunit maaaring maiwasan kung matutukoy ng maaga at may tsansa pa na masagip ang iyong buhay, makagamit na rin ng mga alternatibong paraan at lunas.
Ating labanan ang kanser lalo na ang kanser sa matres. Maging mapagmatyag at umpisahan ikalat ang kaalaman ukol rito.
0 Mga Komento