Lingid sa kaalaman ng iba, ang karaniwang suliranin ng nakararami ay ang pagkakaroon ng almuranas kung saan nagdudulot ito ng pagkabalisa at pananakit o kirot. Ito ay isang uri ng kalagayan ng pamamaga ng mababang bahagi ng iyong tumbong na may kaakibat na pamamaga, pamumula at paglaki ng higit sa normal. Bagamat maaaring magkaroon nito ang marami, ang karaniwang edad na ay 40 hanggang 60 taong gulang.
Ilan sa mga kadahilanan kung bakit tayo ay nagiging lantad sa pagkakaroon nito at iba pang mga sakit o karamdaman ay ang pamumuhay ng taliwas sa dapat, mas madalas na nakaugaliang gawin ng karaniwang tao ay ang pag-upo kasama na rin ang pagkain na ating kinukunsumo lalo na ang kakulangan nito sa mga “fiber” at kawalan ng regular na pag-eehersisyo sa araw-araw.
Ang paraan ng ating pamumuhay ay may malaking dahilan sa hindi maayos na pagtunaw ng pagkain ng mga bituka na sanhi ng almuranas. Ito ay nagdadala sa iyo ng di-maipaliwanag na pakiramdam na may pagkabalisa. Ikaw rin ay mahihirapan sa pag-iri habang dumudumi at kadalasan ay may kasama pang dugo. Sa iba, ito ay may pangangati at kakaibang pakiramdam.
Isa sa pinakamahalagang paraan ay ang pagkonsulta sa mga doktor na eksperto sa sakit na ito. Iwaksi na ang pagkakaroon ng hiya at simulang sabihin ang iyong problema sa kinauukulan kahit na ito ay isa sa maselang parte ng iyong katawan.
Narito ang mga ilang natural na paraan na maaaring gawin sa paghupa ng iyong sitwasyon:
1. Lunas gamit ang bawang – isa sa napakraming tulong na magagawa ng bawang ay ang pagpapahupa ng kirot ng iyong almoranas. Ang pagdurog ng ilang piraso nito, paghalo ng langis ng niyog o langis ng oliba at pagpapalamig hanggang sa mabuo na parang yelo ay pwedeng gamitin at ilapat sa apektadong parte. Maiibsan ang pangingirot at mababawasan ang nakakabalisang pakiramdam. Maaari itong ulitin hanggang mawala ang almoranas.
2. Regular na pagpapalit ng iyong kasuotang pang-ilalim (underwear)- siguraduhing ang iyong sinusuot ay telang gawa sa koton upang maayos na makahinga at hindi makulob ang paligid nito.
3. Paggawa ng “Cold Bath”- ang paghalo ng sea salt sa isang palangganang tubig at pagbabad ng apektadong parte na may almoranas ay makakatulong sa iyo sa loob ng labinlimang minuto. Maaari itong gawin sa umaga bago magsimula ng mga gawain o sa gabi bago matulog. Nakababawas ang paggawa sa prosesong ito ng pamamaga at pangangati at sa paglaon ay napapaliit ang hugis nito.
4. Kung ang iyong sitwasyon ay nakababahala na at umaabot na ng matagal na panahon, magpunta at kumunsulta na sa espesyalista o mga doktor upang masimulan ang mas matinding panglunas na pamamaraan.
Ating isipin upang makaiwas sa mga ganitong kondisyong medikal ay ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig na kailangan ng ating katawan sa loob ng isang araw, ang pagkain ng prutas at gulay na mayaman sa “fiber” at ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.
0 Mga Komento