Ang pagpapawis ay isang tanda na ang ating katawan ay malusog dahil inilalabas nito ang mga lason sa loob ng ating katawan. Ngunit ang isa sa ating problema sa pagpapawis ay ang amoy nito lalo na sa ating kilikili. Ang pawis na lumalabas sa ating katawan ay walang amoy ngunit ang bakterya na lumalabas kasama ng pawis ang syang nagbibigay ng amoy.
Sa kasalukuyan, meron ng mga deodorant na pwede na nating gamitin panlaban sa amoy ngunit ito din ay dapat nating iwasan. Ang mga deodorant na ito ay nagtataglay ng mga kemikal na pwedeng makasira sa ating katawan.
Ang mga kemikal na ito ay pwedeng magdulot ng kanser sa suso at Alzheimer o sakit sa utak. Para maiwasan ang sakit na dala ng mga deodorant na nabibili sa mga tindahan ay gumawa nalang ng sariling deodorant gamit ang mga gamit na nakikita sa loob ng bahay.
Mga sangkap sa paggawa ng deodorant:
1. 1/3 tasa ng Coconut oil o langis ng nyog ay may antibacterial and antifungal na nakakatulong paramaiwasan ang amoy na dulot ng bakterya. Pwede din ito na mismo ang ilagay nyo sa kilikili nyo.
2. 1 kutsara ng Baking soda ay isang mabisang pangsipsip ng masamang amoy.
3. 3 kutsara ng Beeswax ito ang magpapanatili sa hugis ng deodorant, nakakatulong ito para maiwasang matunaw ang deodorant.
4. 10 o 15 patak ng Essential oils mabisang pampagaling at panlaban sa amoy na dulot ng bakterya.
5. 1/3 tasa ng Corstarch tumutulong para sipsipin ang pawis.
6. 2 kutsara ng Shea butter tumutulong para maiwan ang panunuyo ng balat.
Proseso ng paggawa ng deodorant:
1. Ilagay ang nagadgad na beeswax sa dobleng kaserola.
2. Ilagay ang shea butter.
3. Ilagay ang Coconut oil o langis ng nyog at haloin at isalang sa apoy.
4. Hayaan ang beeswax shea butter at langis ng nyog na matunaw ng tuluyan.
5. Alisin sa apoy at ilagay ang baking soda.
6. Ilagay ang cornstarch at haloing mabuti hangang sa mawala ang buo buo at kuminis.
7. Patakan ng Essential oil para magkaroon ng mabangong amoy, pwedeng maghalo ng dalang klase ng amoy ng essential oil.
8. Ilagay ang nagawang deodorant sa isang hulmahan o lalagyan.
9. Hayaang lumamig at tumigas sa loob ng ilang oras.
Gamitin ito bawat umaga o pampalit sa mga deodorant na nabibili sa mga tindahan.
Ipahid ito sa kilikili o ilagay sa daliri at ipahid ng dahan dahan sa kilikili.
Dagdag payo sa paggamit:
1. Patuyuin ito ng 3 to 4 minuto bago maglagay ng damit para maiwasang magkamantya ang damit.
2. Kung ikaw ay may maselang balat pwedeng mong alisin sa sangkap ang bakind soda o pwedeng bawasan mo lang ang dami nito o palitan ito ng katas ng kalamansi o apple cider na suka.
0 Mga Komento