Alam nyo ba na ang pakikipag-halikan ay isang uri ng foreplay o yung ginagawang pangpainit ng magasawa bago sila humantong sa mismong pagtatalik at ito din ay may magandang maidudulot sa ating kalusugan. Halika at ating alamin kung bakit sya maganda sa atin at kung kelan dapat tayo makipaghalikan.
Narito at ating alamin kung bakit ang pakikipaghalikan ay nakakabuti para sa atin:
1. Nakakapatibay ng samahan ng mag-asawa.
• Ang madalas na pakikipaghalikan ng mag-asawa ay hindi basehan para magkaroon ng matatag na pagsasama ngunit ayon sa pag-aaral pwede mong makita ang tamang tao para sa iyo sa pamamagitan ng pakikipaghalikan.
2. Nakakapagpasaya.
• Ang pakikipaghalikan ay nagdudulot sa atin ng endorphins na syang nagpapasaya sa atin. Para maiwasan ang depresyon makipaghalikan na sa ating mga minamahal.
3. Tumutulong labanan ang mga sakit.
• Mahirap man paniwalaan pero ang pakikipagpalitan ng laway sa pamamagitan ng paghalik ay nakakatulong malabanan ang mga lason sa ating katawan lalo na kung ito ay hahantong sa mainit na pagtatalik. Ayon sa pag-aaral kapag ang babae ay nakipaghalikan sa may sakit nyang asawa ay nagkakaroon sya ng mabisang panlaban sa sakit na cytomegalovirus.
Ayon pa sa isang pag-aaral ang mga nakikipagtalik ng isa o dalawang beses sa loob ng isang lingo ay nagkakaroon ng mabisang panlaban sa mga impeksyon, kung gusto nyong makaligtas sa panlalamig sa panahon ng tag-lamig makipagtalik na kayo sa inyong mga asawa.
4. Nakakatunaw ng mga calories sa loob ng katawan.
• Ang pakikipaghalikan ay pwedeng makatunaw ng dalawa o tatlong calories sa ating katawan bawat minuto. Kaya kapag ikaw ay nakaupo sa sala kasama ang iyong asawa, simulan na ang pagbabawas ng calories sa mainit na halikan nyong dalawang magasawa.
5. Nagpapagana sa pagtatalik.
• Alam nyo ba na ang madalas na pakikipagtalik ay maganda sa kalusugan natin lalo na sa ating puso at nakakatulong ito na mapahalagahan natin ng maayos an gating mga sarili. Ang maayos na pakikipagtalik ay naguumpisa sa matindi at mainit na pakikipaghalikan.
Ayon sa pag-aaral ang paghalik ay malakas na uri ng foreplay o ito yung paraan ng pagpapainit ng mag-asawa bago sila magtalik. Kapag sa umpisa palang ay matindi na paghahalikan nyong mag-asawa ay pwedeng magresulta sa maganda at maayos na pagtatalik nyong dalawa.
6. Nakakatulong mapaganda ang samahan.
• Ang matinding at mainit na pakikipaghalikan sa inyong asawa ay nakakatulong sa pagpapaganda ng inyong samahan. Ayon sa pag-aaral, kapag tayo ay nakikipaghalikan nakakabuo tayo ng hormon oxytocin na madalas tawagin na hormon ng pagmamahal. Ang hormone na pagmamahal ay nagdudulot ng magandang samahan lalo na ang sa mga kababaihan, katunayan nyan hinahalikan natin yung mga taong mahal natin at mahal natin yung mga taong hinahalikan natin.
0 Mga Komento