Subscribe Us

Walong Natural na Paraan Upang Mawala ang mga Kirot o sakit na Nararamdaman sa Inyong mga Daliri.

Nagdurusa ka ba sa isang kondisyon tulad ng pamamanhid, sakit, o kahit kahinaan sa mga nakapalibot na lugar ng iyong mga kamay?
Ito ay maaaring palatandaan at sintomas ng isang kondisyon na kilala bilang “Carpal Tunnel Syndrome”. Ayon sa mga eksperto, kung saan ang ideya ay nagmula sa mga doktor ng University of Maryland Medical Center na natuklasan, na ang CTS ay mula sa isang napilipit sa may bandang pulso.


Sa karamihan ng mga kaso, ang mga tisyu na nakapaligid sa “median nerve” kung saan ito ay napipindot o nadidiinan at nagkakaroon ng pamamaga na kalaunan ay may pamamanhid, sakit, pati ang kahinaan at panginginig. Kung ito ay hahayaan lamang ng walang ginagawang paggagamot ang mga sintomas ay makikita at maaaring lumala sa paglipas ng panahon at ang pagkaka-bukod at paghihiwa-hiwalay ng mga ugat ay nagsasanhi ng tuloy tuloy na pinsala.
Mahalaga na gamutin ang “Carpal Tunnel Syndrome” sa unang senyales ng sintomas upang mapigilan at maiwasan ang karagdagang pinsala at ang hindi maayos na pakiramdam.Habang ang iyong manggagamot ay nagrerekomenda ng mga dapat isuot na splint sa ingles at maaari ring magbigay ng “corticosteroid injectable”.
Sa kabilang banda may ilan ring mga epektibong remedyo at natural na maaaring gamitin upang mapagaling ang sakit tulad ng mga sumusunod:
1. TURMERIC o LUYANG DILAW
Halos ang lahat o ang karamihan ay nakakaalam at misang paborito ang “Ayuverdic Spice” o mas kilala sa tawag na TURMERIC kung saan ito ay isa sa pinakamabisang pangtanggal at pagpalis sa pamamaga at kirot. Pinakamabuting resulta ay ang pag-inom ng “Curcumin Supplements”.
2. FLAXSEED OIL
Tayo ay pinapayuhan na kumunsumo ng isang kutsara ng sa parehong orange juice sa umaga o salad naman sa hapunan. Katulad ng isda at “olive oil”, ang flaxseed oil ay puno ng mga “omega-3 fatty acids” na nakaktulong sa paghilom ng sugat.
3. PINEAPPLE O PINYA
Ang tropikal na bungang ito ay binubuo ng mga makapangyarihang “enzyme” na tinatawag na “BROMELAIN”. Ang sangkap na ito ay may kakayahang makasira ng mga protina na nagdudulot ng pamamaga. Bilang resulta, ito ay may benepisyo hindi lamang sa pagbaba ng nararamdamang kirot na siyang dala ng CTS kundi pati na rin sa mabilis na paggaling nito.
4. WHOLE GRAINS O BUO-BUONG BUTIL
May magnesium na matatagpuan bilang sangkap sa mga buto at butil pati na rin sa mga gulay. Ito ay napakahalaga para sa kapahingahan ng mga kalamnan at maayos na pagganap ng mga ugat sa katawan. Kumain ng may sapat na magnesium na mga pagkain at subukan ding uminom ng mga karagdagang gamot na may ganitong sangkap upang makaiwas sa sintomas ng CTS.
5. PATATAS
Ang Bitaminang B6 ay karaniwang makikita sa mga prutas bukod sa mga maasim, pati na rin sa mga produkto ng mga manok at isda. Ang lahat ng Bitamina B6 ay may koneksyon sa mahigit 100 reaksyon ng mga enzymes. Ang ilan sa mga epektong ito ay nakapagpapababa unti-unti at pagpalis ng mga sintomas ng CTS.
6. WALNUTS
Ang ganitong klase ng mga buto ay maaaring pinuhin at ipamalit sa “breadcrumbs” kung tayo ay magpiprito ng laman ng isda o ng mga manok. Ang mga nuwes o “nuts” na ito ay puno ng omega-3 fatty acids, na mabisang nagpapahupa ng pamamaga. Kung ikaw ay mayroong sintomas ng CTS, maaaring ugaliin na magsama upang makatulong ng isang dampot na mani sa ibabaw ng iyong “yogurt”.
7. HEAT o INIT
Ang lunas na ito na karaniwan na gingawa sa bahay ay makakabawas ng halos katulad ng lebel ng pananakit habang ikaw ay natutulog sa gabi na nararamdaman ang lahat ng kirot. Ang ibang tao mas nagiging maayos sa paggamit ng init kesa sa yelo. Inirerekomenda na ilubog ang parehas mong mga kamay hanggang sa may puslo sa mainit o maligamgam na tubig sa loob ng 12 hanggang 15 minuto bago matulog na siyang pwedeng gawin araw-araw.
8. ICE o YELO
Ang paglalagay is isang bugkos na yelo na nababalutan ng twalya sa tapat ng pulso ay makakatulong maibsan ang kirot at pahupain ang maga. Iminumungkahi na iwanan ito sa may bandang pulso sa loob ng 10 minuto at ulitin ang proseso sa loob ng isang oras hanggang sa maging maayos ang pakiramdam.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento