Sa panahon ngayon, maraming indibidwal na nagiging matimbang ay kumukonsumo ng mataas na antas ng asukal o “carbohydrates” sa pagkain na nabibili sa araw-araw. Lingid sa kaalaman ng lahat na lumalabis na pala ang pagkonsumo nito na siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng antas ng asukal sa ating katawan.
Malaki ang nagiging impluwesiya ng pag-inom ng mga “softdrinks”, mga minatamis na prutas gaya ng mangga, mga pasas, saging, at pulot at ang mga pang-araw araw na ating kinakain sa pagtaas ng ating timbang. Ito ay labis na nakasasama at maaaring magdulot ng ilang kondisyong medikal tulad ng depresyon, pagkahilo, pagkahapo, pananakit ng labis ng ulo, pagkamatulugin at pagkakaroon ng diabetes at kanser.
Ang kaugnayan ng pagkain ng matatamis at ang pagtaas ng timbang ay naaayon sa pagkonsumo ng labis na asukal ng katawan. Ang lahat ng sobrang asukal ay nagiging “fats” kung saan ito ay walang gamit at maaari lamag makapagpalaki ng mga parte ng ating katawan tulad ng mukha, baywang, at mga hita.
Ang mga sumusunod ilan sa maaari nating sundin upang maiwasan ang labis na pagkonsumo ng matatamis.
Para sa unang araw, maaaring gawin ang mga ito bilang:
- Almusal: Nilaga o binating itlog na pinirito o isang tasa ng “oats” na hinaluan ng prutas.
- Meryenda: Isang mangkok na mani.
- Tanghalian: Manok (Parte ng dibdib nito) na may kasamang mga buto ng beans, butternut, carrots o halamang may ugat tulad ng “beets” o parsnips na kapamilya ng labanos.
- Hapunan: Salmon na may kasamang kabute, broccolli o inihaw na isda na may beans.
Sa ikalawang araw naman ay:
- Almusal: Binating itlog o nilaga o anuman ang iyong nais na luto. Alternatibo ay “oats” na may mani at “berries”.
- Meryenda: Isang mangkok na mani
- Tanghalian: Salad na may repolyo at katas ng lemon, asin-pang-alat, langis ng oliba, carrots at parsley. Maaari rin itong dagdagan ng iba pang klas ng gulay depende sa iyong nais.
- Hapunan: Isda na may pechay at inihaw na halamang may ugat, alternatibo rin dito ay ang pagalalaga ng iba’t ibang klase ng gulay.
Para sa ikatlong araw, maaari tayong maghanda ng sumusunod:
- Umagahan: Maaaring magtorta ng itlog na may hipon at gumawa ng salad na may walnut, o “oats” na may buto ng almonds o berries.
- Tanghalian: Litson na manok na maaaring haluan ng sibuyas, itim na bunga ng oliba, at mga pampalasa tulad ng lemon, dahon ng “thyme”, sage o rosemary.
- Hapunan: Maaaring maghanda ng mga pasta na may kasamang dinurog na kamatis, kabute, at mga pampalasa nito tulad ng dahon ng basil, katas ng celery, thyme, carrots at bawang. Maaari rin itong samahan ng iba pang nais na sangkap.
0 Mga Komento