Ang pagbubuntis ay isang hindi malilimutang yugto sa buhay ng isang babae. Sa ngayon, ikaw ba ay isang babaeng nag-aasam ng pagdadalang-tao o ibinigay na sa iyo ng maykapal ang isang biyaya, ang magbuntis ng isang anghel sa iyong sinapupunan? Napakahalaga na maging masaya, ligtas, at maayos ang panahon ng iyong pagbubuntis.
Narito ang ilan sa mga gamot na hindi maaaring inumin habang ikaw ay nagbubuntis:
1. Mga gamot na may “antifungal” – ang mga gamot na ito ayon sa isang pag-aaral lalo na ang paggamit ng may sangkap na “fluconazole” kung saan ginagamot nito ang mga “yeast infections” na karaniwang makikita sa mga nagbubuntis ay mahigpit na binabawal gamitin sapagkat nakaaapekto ito at at maaaring maging dulot ng pagkalaglag ng bata.
B. Mga Bitamina – Ayon sa isang pananaliksik ng “American Pregnancy Association”, ang labis na pag-inom ng mga bitamina tulad ng “iron” at “calcium” ay maaaring makalason sa iyong dinadalang sanggol. Masasabi natin na ang lahat ng “labis” ay masama.
2. Mga “antihistamines” ay tahasang ipinagbabawal sa pag-inom habang nagbubunits sapagkat ang pag-inom nito ay upang malabanan ang paglilihi at karaniwang nagdudulot ng maagang pag-aanak o “pre-mature birth”, mababang timbang ng sanggol, makikitaan din ito ng impeksyon at problema sa paghinga, pagpapakain at paglaki ng bata. Ito ay madaling nabibili sa mga pamilihan kaya’t mas mabuti na may kamalayan ang maayos na paggamit sa gamot na ito. Napag-alaman sa pag-aaral na humigit sa limampung porsyento ng mga pasyente ang dumaranas ng mga nabanggit na karamdaman ay ang mga gumamit ng “antihistamines” habang nagbubuntis.
3. Mga pampaampat kirot sa tiyan – ang sangkap na ito ay kilala bilang “Pepto Bismol”. Ito rin ay tinatawag na “Bismuth subsalicylate” kung saan sinasabi na ang matagalang paggamit nito ay nakakasama sa kabuuan ng isang inang nagbubuntis. Maaaring dumanas ng labis na pagdurugo sa oras ng kapanganakan, ito ay ayon sa “Healthline”.
4. Pagkonsumo ng mga “sleeping pills” – karaniwan dumarating sa isang nagbubuntis ang hirap na pagtulog ngunit maging maingat sa mga gamot na iniinom tulad ng “Dalamane” na siyang nakakaapekto sa pagbuo ng utak ng iyong sanggol na halos katumbas ito ng paggamit ng mga matitinding droga o pag-inom ng alkohol. Ang maaaring maging resulta nito ay ang ADHD o “Attention deficit hyperactivity disorder”, mental retardation at iba pang may kinalaman para sa kaalaman ng sanggol.
5. Mga gamot para sa “migraine” ay dapat ring ipagbawal inumin habang nagbubuntis. Isang uri nito ay “Topamax”. Pinapayuhan na kumunsulta muna sa iyong doktor sa mga nararapat na gamot kung ikaw ay makakaranas nito.
6. Ang sangkap na “Ribavirin” ay ginagamit upang malunasan ang Heptitis C. Isa rin ito sa maaaring makaakpekto ng lubusan sa iyong pagbubuntis.
7. Ang mga gamot sa sakit ng ulo tulad ng “Aspirin”. Ang ilan sa uri nito ay “naproxen” at “ibuprofen” ay dapat iwasan ng isang nagdadalang tao. Maaari nitong maaapektuhan ang pagdaloy ng dugo sa bata at sa iyong matres kung saan isang napakahalagang yugto sa paglaki ng sanggol.
8. Mga gamot panlaban sa taghiyawat ay dpat ding iwasan sa paggamit. Ang ilan sa sangkap nito ay ang “Accutane” na nahahalintulad sa mga gamot “retinoid” na siyang sanhi ng tumataas na bilang ng pagkamatay ng mga sanggol. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng likido sa utak ng bata, problema sa puso, pagkakaroon ng pingas, hindi maayos na itsura ng mukha at problema sa utak, at marami pang iba.
9. Ang sangkap na “Naproxen” ay matatagpuan bilang “pain reliever” ay nakakasama rin sa kalusugan ng isang nagbubuntis. Nakakabawas ito ng dugong dumadaloy papunta sa sanggol.
10. Mga antibayotiko – angilan sa mga ito ay nirereseta ng doktor habang nagbubuntis at ito’y ligtas. Ngunit ayon sa “Mayo Clinic” ang sangkap na “tetracyclines” ay makakaapekto sa kulay ng ngipin ng iyong sanggol. Ang mga uri nito ay marapat na iwasan hanggang sa makalipas ang ika-labinlimang linggo ng pagbubuntis.
11. Mga gamot para sa depresyon ay isa rin sa nararapat iwasan. sapagkat maaari itong magdulot ng problem sa puso ng sanggol, “club foot”, mas mataas na porsyento na manganak ng wala pa sa buwan, at “spina bifida”. Ang ilan sa mga doktor ay ipinapagamit pa rin lalo na ang “lexapro” dahil iniiwasan nito ang panganib na mailabas ng walang buhay ang sanggol ngunit mas nararapat pa rin isipin ang kabuuan ng pagiging ligtas ng ina at ng sanggol.
12. Ang sangkap na “ibuprofen” na matatagpuan sa mga gamot na “advil” at “motrin” ay hindi nararapat inumin lalo na sa ikatatlumpung linggo ng pagbubuntis hanggang lumaon. Ito ay maaaring makabara sa puso ng sanggol kung saan nararapat na maging bukas ang daluyan hanggang sa maipanganak ang sanggol, ayon kay Kelly Kasper, isang OBGYNE o espesyalista sa pagbubuntis.
Sa pangkalahatan, atin dapat pangunahing isipin ang kalusugan ng nagbubuntis at ng sanggol at maaari din namang gumamait ng mga alternatibong gamot upang maiwasan o lunasan ang mga sakit. Sana’y nakatulong ang mga impormasyong ito…
0 Mga Komento