Kapag tumibok nga naman ang ating puso, mahirap na itong pigilan pa. Ngunit kung ang iyong napupusuan ay hindi kagandahang ang ugali, mas mabuting mag isip isip ka muna. Narito ang sampung halimbawa ng mga babae na hindi mo dapat pakasalan.
1. Ang Babaeng Mahilig Gumimik.
May mga babaeng hindi tumatanggi sa mga gala ng barkada, mapa-inuman man yan or party club. Mahilig sila magsuot ng mga damit na hapit sa katawan o nakakakuha ng atensyon. Kahit na may kasintahan na sila, ay mas nauubos nila ang gabi kasama ang barkada sa night club. Ang ganitong klaseng babae ay walang pagpapahalaga sa hinaharap ninyong magkasintahan at ang gawain niya ay maaaring pagmulan pa ng iba’t ibang problema sa inyong relasyon.
2. Ang Babaeng Takot sa Commitment at mga Pangako.
Ay mga ganitong halimbawa ng babae ay mahihirapan magpokus sa inyong relasyon dahil hindi nila kayang matali sa relasyon ng panghabang buhay. Kadalasan ay mabilis silang mawalan ng interes sa isang bagay at dali daling naghahanap ng susunod na bagay na magtutuunan nila ng pansin.
3. Ang Babaeng Mahilig sa Material na Bagay.
Isa man malaking hamon maghanap ng babaeng hindi mahilig sa kagamitan na tulad ng sapatos o bag, mas mainam na maghanap na lamang ng babaeng may kontrol sa gastusin at marunong mag budget. Dahil kung ang pakakasalan mo ay isang babaeng mahilig magwaldas ng pera, tiyak pagmumulan iyan ng problema sa pagtagal ng inyong pagsasama.
4. Ang Babaeng Makasarili.
Sa unang yugto pa lamang ng relasyon ninyo ay mapapansin mo na kung ang kasintahan mo ay makasarili. Una sa lahat, kung mas pinaprayoridad ninya ang kaligayahan niya kaysa ang kaligayahan ninyong dalawa. Pangalawa, kung mas pinipilit niya ang mga gusto niya kaysa kung ano ang bagay na pareho ninyo gusto. Kung isa man siya sa dalawang halimbawa, mas mainam na kausapin mo na siya sa paguugali niya, dahil mahirap bumuo ng payapa at masayang pamilya kung isa lang ang masaya.
5. Ang Babaeng Chismosa.
Nakakaaliw nga naman makarinig ng chismis, ngunit kung ang iyong kasintahan ang top 1 chismosa ng bayan, mas mabuting magisip isip ka na. Dahil kung parati niyang pakekealaman ang buhay ng iba ay marahil maubusan siya ng oras mag pokus sa buhay ninyo magasawa. Maaari din ito maging ugat ng iba pang kaguluhan.
6. Ang Babaeng Hindi Marunong Makuntento.
May mga halimbawa ng babae na mas dinidiin nila ang gusto nila at pag hindi nila nakuha ito ang nagdadamdam o nakikipag away. Ang mga ganitong babae ay hindi rin nakukuntento sa iisang bagay at along nagaasam ng mas higit pa sa kaya mo o sa buwanang sahod. Kung hindi siya marunong magsakripisyo para sa pamilya o kahit man lang para sayo na kasintahan niya, mas malaking problema ang kakaharapin kung pakakasalan ang mga tulad ng ganitong babae.
7. Ang Babaeng Walang Galang.
Ang pag galang ang unang tinitignan ng matatanda sa isang tao. Kung bastos at wala siyang galang, maaaring gawin din niya ito sayo. Dahil ang pag galang sa isa’t isa ay isang mahalagang pundasyon ng bawat relasyon.
8. Ang Babaeng Bitter o Hindi makamove on.
Kung madalas magcomment ng masasakit na salita ang nobya mo tungkol sa mga lalaki, or sa ex nito, marahil ay hindi pa ito naka move-on dahil may natitirang galit sa puso niya. Magkakaroon ng pagkakataon na masalita siya ng masasakit na salita dahil sa tinatagong galit nito.
9. Ang Babaeng Malandi.
Kung ang kasintahan mo ay mahilig makipag landian sa iba’t ibang lalaki, sa kalaunan ay mahirap na itong baguhin sa kanya kahit pa man ikasal na kayo. Magugulat ka na lamang na marami itong ka text or ka chat na lalaki, at hindi na siya nagpopokus sa relasyon ninyong dalawa.
10. Ang Babaeng Mahilig sa Atensyon.
May mga babaeng likas na nakakakuha ng atensyon dahil sa taglay na talino o kagandahan. Ngunit kung ang nobya mo ay todo maka effort upang makuha lamang ang atensyon ng ibang tao, magkakaroon ng pagkakataon na hindi na nito maibibigay ang atensyon sayo bilang asawa dahil mag bibigyan pansin nito ang atensyon ng iba.
Lahat tayo ay naghahangad ng forever, ngunit mas mainam na pagisipan mabuti kung ang kasintahan ay pang forever na nga, dahil kung hindi, tiyak na mahihirapan kayo lampasan ang bawat pagsubok na darating sa relasyon ninyo.
0 Mga Komento