Napapansin mo ba na nahihirapan ka na magpatigas ng iyong ari? Nawawalan ka na ba ng gana makipag talik? Kahit na madalas mangyari ito sa matatandang lalaki, walang edad na pinipili ang Erectile Dysfunction o ang hindi tumitigas na ari ng lalake. Nangyayari talaga ito ngunit mas mainam na malaman ang limang sintomas nito upang mapag-alaman ang maaaring irekomenda na lunas ng doktor.
1. Ang Kawalan ng Interes sa Pagtatalik.
Maaaring dulot ito ng pagod sa pang araw araw na trabaho, ngunit kung umabot ang isang buwan na wala ka pa ding gana, maaaring sintomas na ito ng Erectile Dysfunction. Isa pang sanhi ng pagkawalan ng gana sa pagtatalik ay kung napapansin mo na nahihirapan ka nang patigasin ang iyong ari. Maaaring dahil na din sa kahihiyan, naaapektuhan na din ang gana sa pagtatalik kahit na malakas ang iyong libido.
2. Ang Hindi Pagtigas ng Ari.
Karaniwan sa lalake ang ganahan sa pagtatalik at dahil dito ay mabilis na nagkakaroon ng epekto sa kanilang ari. Ngunit kung napapansin mo na nahihirapan ka nang patigasin ito kahit na mahaba haba ang inyong foreplay, mas mainam na magpatingin sa doktor dahil ito ay sintomas ng Erectile Dysfunction.
3. Hindi Mapanatiling Matigas ang Ari tuwing nagtatalik.
Katulad na lamang sa nabanggit na hindi pag tigas, may mga pagkakataon na napapatigas ito ngunit hindi ito mapanatiling matigas. Dahil dito ay maaaring maapektuhan ang inyong pagtatalik.
4. Ang pagkabalisa.
Nakakabalisa ang pagkakaroon ng Erectile Dysfunction at kahit na may kinalaman ang pagod at stress, hindi maikakaila nag may mga siklohikal na salik sa pagkakaroon nito. Marahil ay patuloy kang nagaalala at balisa dahil hindi ka na makaperform sa kama, dahil dito ay mas lalong mahihirapan kang makipagtalik.
5. Mababang lebel ng Testosterone.
Isa sa sintomas ng Erectile Dysfunction ay ang pagbaba ng lebel ng iyong testosterone. Ito ang nagpapagana sa pagtatalik ng isang lalaki. Kung mababa ang lebel ng testosterone ay maaaring magkaroon ng mababang libido, hindi kasiya-siya na pagtatalik at hindi pag tigas ng ari. Ang maaaring namang sanhi ng pagbaba ng testosreone ay depresyon, pagtaba at pagpupuyat. Importanteng komunsulta sa doktor upang magkaroon ng mabisang lunas ito.
0 Mga Komento