Alam nyo ba na may mga halamang gamot na nakakapagpanatili ng ating kalusugang sekswal? Ang mga halamang gamot na ito ay walang taglay na masamang epekto sa ating dahil ito ay natural kumpara sa mga gamot na sex performance enhancer.
Narito ang mga listahan ng mga halamang gamot na nakakatulong sa ating kalusugang sekswal:
1. Ang halamang gamot na Ginseng.
Ito ay kilala dahil ito ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa babang bahagi ng katawan ng mga lalaki. Nagdudulot din ito ng pagnanais, enerhiya at orgasm sa mga kalalakihan at kababaihan. Bukod sa magandang epekto nito sa pagdaloy ng dugo sa mga kalalakihan, may maganda din itong epekto sa dopamine system ng ating utak. Ang dopamine system ang syang responsable sa pagnanais ng tao sa pagtatalik.
2. Ang halamang gamot na kava.
Ito ay nakakatulong sa pagsasaayos ng ating mga ugat at pagpapakalma ng ating mga utak. Madalas ang kalusugang sekswal ng lalaki at babae ay naapektuhan ng sobrang stress, sobrang pag-aalala, problema sa pamilya at asawa. Ang halamang gamot na ito ay nakakatulong para maiwasan ang sobrang pagkastress at pag-alala ngunit hindi sigurado ang epekto nito sa problema sa ari ng mga kalalakihan.
3. Ang Rhodiola Rosea.
Ito ay isang uri ng halaman na matatagpuan sa Artic region at ito ay nakakadagdag ng pagnanais sa pakikipagtalik sa parehong babae at lalaki. ayon sa pag-aaral, ang halamang gamot na ito ay nakakadagdag ng enerhiya na dahilan ng maayos na pagoorgasm ng parehong babae at lalaki at nakakataas ng kanilang sexual drive. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng husay ng katawan ng mga lalaki at ang lumalaban para maiwasan ang masamang epekto ng menopause.
4. Ang goat weed.
Ito ay isang uri ng halaman na nabubuhay sa matataas na lugar at ito ay pinaniniwalaang nakakadagdag ng pagnanais sa pakikipagtalik sa mga kalalakihan. Ito din ay ginagamit na panggamot sa problema sa ari ng mga lalaki ngunit marami ang nagdududa sa kakayanan ng gamot na ito lalo na kapag ito ay binili sa mga hindi kilalang tindahan.
Ang mga nabanggit na mga halamang gamot para sa pagpapaganda ng kalusugang sekswal ng parehong babae at lalaki at masuring pinag-aralan at wala ito masyadong dulot na masamang epekto sa ating katawan dahil ito ay natural at hindi dumaan sa proseso na ginagamitan ng kemikal.
0 Mga Komento