Subscribe Us

Narito mga paraan upang Pumayat ang Inyong mga Pisngi at Mawala ang Double Chin. Basahin dito.

Ang ating mukha ay isa sa pinakamahalagang parte ng ating katawan. Ito ang una at madalas na tinitingnan at napapansin sa atin ng mga tao. Ang pagkakaroon ng magandang hugis ng pisnge, panga at matangos na ilong ang madalas nating hinahangad.
Marami sa atin ang madalas tawagin na cute dahil sa pagkakaroon ng medyo malusog na pisnge, ngunit dapat nating alamin ang pagkaka-iba ng malusog na mukha sa puro taba na mukha. Kapag ang ating mukha ay puro taba nawawalan na ang pagkacute nito at ang magandang hugis ng ating pisnge.

Narito ang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sobrang taba na pisnge.

1. Chin Raise o pagtaas ng baba. 
Hawakan ang mukha at ang leeg pataas ng isang sigundo, iporma ang mga labi na parang may hinahalikan sa taas, manatili sa ganitong posisyon ng 10 sigundo bago ipahinga at ibaba ang leeg at muka. Ulitin ang paraan na ito ng 20 beses sa loob ng isang araw.
2. Tounge Teaser. 
Itulak palikod ang pisnge habang inilalabas ng todo ang dila, mararamdamang humihigpit ang pisnge kapag ito ay ginawa. Manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 10 sigundo bago ito ipahinga. Gawin ito 2 beses sa loob ng isang araw.
3. Fish Face.
Ang fish face ang isa sa pinakamabisang ehersisyo para iyong pisnge at sa mga muscles nito. Sipsipin lang paloob ng bunganga ang iyong pisnge at ikunot ang mga labi palabas ng bunganga na parang mukha ng isang isda. Gawin ito ng 10 beses na may 30 sigundo bawat isa. Gawin ito dalawang beses sa loob ng isang araw.
4. Paikutin ang dila. 
Itikom ang bibig at paikutin ang dila, habang ginagawa ito mapapansin na natatamaan ng dila ang mga ngipin. Gawin ito 15 beses na ang ikot ay pakaliwa at 15 beses na pakanan naman ang ikot. Gawin ito dalawang beses sa loob ng isang araw.
5. Jaw release. 
Tumayo o umupo ng maayos, itikom ang bibig, igalaw ang panga na parang may nginunguya at huminga ng malalim at ibuga din ito na habang gumagawa ng humuhuning tunog. Buksan ang bibig at pilitin abutin ang babang ngipin gamit ang dila, manatili sa ganitong posisyon sa loob ng 5 sigundo. Gawin ito 10 beses sa loob ng isang araw.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento