Ayon sa pag-aaral, halos 90 porsyento ng mga kalalakihan ang nagkakaroon ng problema sa bilang ng kanilang sperm cell. May mga bagay ang mga lalaki na ginagawa araw araw na hindi nila alam ay nagdudulot na pala ito ng kakulangan sa dami ng kanilang sperm cell.
Narito ang ilan sa mga pang-araw araw na gawain ng mga lalaki na nagdudulot ng pagkunti ng bilang ng kanilang sperm cell:
1. Ang paggamit ng laptop habang ito ay nakapatong sa inyong hita.
Ito ay madalas na ginagawa ng mga tao hindi lang ang mga lalaki. Ang init na mula sa laptop ay nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng ari ng mga lalaki dahilan para kumunti ang bilang ng kanilang sperm. Kung gusto itong gamitin at ipatong sa hita, gumamit ng mga sapin na magproprotekta sa mga hita sa init na dulot ng laptop.
2. Ang paginom ng alak at paninigarilyo.
Ito ay isa ding dahilan ng pagbaba ng bilang at pagkakaroon ng normal na sperm cell ng lalaki. Bukod sa masama ito sa ating kalusugan, ito din ay nagdudulot ng problema sa pagkakaroon ng sperm cell ng isang lalaki.
3. Ang sobrang pagkastress.
Ito ay isa sa pinakakilalang dahilan ng pagkunti ng bilang ng sperm cell ng mga lalaki. Ito din ay nakakaapekto sa kalidad at produksyon ng sperm cell.
4. Ang madalas na pagligo sa maaligamgam na tubig.
Ito ay nagdudulot ng relaxation sa ating katawan ngunit ito din ay isang dahilan ng pagbaba ng bilang ng sperm at pati narin sa kakayanan nitong makabuo ng bata.
5. Ang paggamit o pagsuot ng sobrang sikip na brief.
Ito ay nagdudulot ng problema sa ari ng mga lalaki at sa produksyon ng kanilang sperm. Pinapayuhan ng gumamit nalang ng boxer na short kesa magsuot ng sikip na brief.
6. Ang paggamit ng mga sunscreen na lotion.
Ito ay nakakapinsala sa bilang o dami ng sperm cell ng mga lalaki. Ito din ay nagtataglay ng mga kemikal tulad ng Octinoxate na dahilan ng pagbabago ng hormon at oxybenzone na nagpapabagl sa produksyon ng sperm cell.
7. Ang radiation o init na nakukuha sa mga cellphones.
Ito ay may malaking epekto sa sperm ng mga lalaki. Kagaya ng laptop, ang cellphones ay nagdudulot din ng init na dahilan ng pagkakaroon ng problema sa sperm ng lalaki. Iwasang ilagay ang cellphone sa bulsa ng matagal.
8. Ang kakulangan sa ehersisyo at sobrang taas ng timbang o sobrang taba.
Ito ay nagdudulot ng pagkunti ng sperm ng mga lalaki. Ang sobrang taba ay nagpapababa ng lebel ng estogen sa kanilang katawan dahilan para kumunti ang bilang ng kanilang sperm dahil pinapainit nito ang kanilang katawan at kanilang ari.
9. Sobrang pagkunsumo ng mga pagkain o inumin na may soy.
Ang soy ang isa sa pinagkukunan ng protina sa gulay at ito ay pinaniniwalaang nakakdagdag sa produksyon ng hormon ng mga babae kabaliktaran naman ang dulot nito sa mga kalalakihan. Ayon sa pag-aaral ang lalaki ay dapat umiwas sa paginom ng soya at pagkain ng mga tokwa dahil pwede nitong mapababa ang bilang ng sperm cell.
0 Mga Komento