Subscribe Us

Narito pala ang Masamang Epekto ng Sobrang Pagkahilig sa Hotdog na Maaaring Humantong sa Kanser, Leukemia at iba pang sakit.

Hindi maipagkakaila na isa sa mga gawain na hinding hindi tayo mapapagod ay ang pagkain. Tinutulungan nitong malampasan natin ang ating pagkagutom at nagbibigay din ng lakas para magawa ang araw araw nating gawain. Nakakakuha din tayo ng nga nutrients at bitamina sa mga pagkain na ating kinakain na syang tumutulong sa atin na malabanan ang mga sakit na pwedeng dumapo sa ating mga katawan.
Mga pagkain na madalas nating kinakain ay ang mga prutas, gulay, karne at iba pa na nakakatulong mapaganda ang ating mga katawan at pati ang ating kalusugan. Ang mga pagkain na ito ay lalong sumasarap depende sa ibat ibang klase ng pagluto dito. Madalas iisang potahe lang ang ating pinipili kapag tayo ay kumakain sa mga restaurant lalong lalo na kapag hindi natin kilala ang ibang klase ng pagkain na nakahain at isa na dito ang hot dog.
Mapa umagahan, tanghalian, hapunan o meryenda pwedeng kainin ang hotdog at ito ay isa sa paborito ng mga bata pati nadin ang mga matatanda. Hindi natin maitatanggi na masarap talaga ang hotdog at madali itong lutuin, prituhin lang ito ng mga ilang minuto at pwede mo na itong kainin maging ulam man sa mga kanin o palaman sa tinapay. Ngunit sa kabila ng masarap nitong lasa may masamang epekto din ito sa ating katawan lalong lalo na sa ating kalusugan.
– Alam nyo ba na ibat ibang pag-aaral ang isinagawa sa hotdog at napag-alaman na ito ay pwede magdulot ng malubhang karamdaman sa atin. 
Ayon sa pag-aaral ang tao na kumain ng mahigit sa labing dalawang piraso ng hot dog sa loob ng isang buwan ay may malaking porsyento na magkaroon ng sakit na leukemia o ang kanser sa dugo.
– Ang hotdog ay nagtataglay ng mataas na bilang o lebel ng sodium dahil sa mga preserbatibs na ginagamit dito o ang kemikal na nagpapatagal sa isang pagkain. 
Ang sodium na ito ay pwede magbuo at maging kidney stone na isang uri ng sakit sa bato na pwede magdulot ng hirap sa pag-ihi o may nararamdamang kirot o sakit pag umiihi.
– Ang hotdog din ay nagtataglay ng sobrang fats kumpara sa ibang pagkain na dinaan sa proseso. 
Kapag ito ay madalas na kinain sigurado na magkakaroon ka ng taba sa iyong tiyan. Kung gusto mong pumayat o bumaba ang timbang iwasan ang pagkain ng hot dog.
Ayon pa sa pag-aaral, ang preserbatibo na ginagamit sa hotdog para magmuka itong sariwa ay nagtataglay ng sobrang dami ng bilang ng nitrites. Ang nitrites ay isang uri ng kemikal na napakadelikado kapag nahalo da isa pang kemikal na amine. Ang mga kemikal na ito ay nakukuha kapag ang mga pagkain ay dumadaan sa proseso ng pag prito, ito din ang dahilan para sa sakit na leukemia o kanser sa dugo, kanser sa tyan, atay at sa esophagus.
Ito din ay nagtataglay ng sobrang dami ng bilang sugar na dahilan ng sakit na diabetes at langis na nakakasama sa kalusugan ng ating puso, purines na nagdudulot ng arthritis at rayuma. Ang masarap na lasa ng hot dog ay panandalian lang ngunit ang sakit na makukuha natin dito ay pwedeng tumagal ng habang buhay.
Para maiwasan ang ganitong mga sakit hnd naman kinakailangan na hindi na talaga kumain ng hot dog dahil hindi lahat ng hot dog ay nagtataglay ng sobrang dami ng nitrates. Mayroon din hot dog na organic at hindi nakakatakot kainin. 
Ang hotdog na sobra ang pag kakulay ng pula ang pinaka madaming nitrate na taglay samantalang ang hot dog na may maputlang kulay ang pinaka ligtas na kainin na hotdog. Walang problema sa pagkain ng hot dog nagkakaroon lang ng problema kung palagi natin ito kakainin at ang sobrang pagkain nito.
Ang kalusugan natin ang pinakaimportanteng bagay na dapat natin pahalagahan at ingatan kaya dapat nating piliin ng maayos ang mga pagkain na ating kakainin dahil pwede itong magdulot ng kapahamakan o problema sa ating kalusugan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento