Aminin man natin o hindi pero marami sa atin ang gustong gusto kumain ng mga pagkain na matatamis dahil ito talaga ay masarap. Ngunit ito ay nakakasama sa ating kalusugan at kapag nalaman nyo ang mga masamang epekto nito sa ating katawan malamang magbabago ang inyong pagtingin o ang pagnanais nyo sa mga pagkain na matatamis.
Narito at ating alamin kung ano- ano ba ang mga sinyales na masyado ng madami ang ating nakakain na matamis na pagkain:
1. Sobrang pagkapagod at nauubusan ng lakas.
Ang pakiramdam na sobrang pagod ay isa sa pinakakilalang sinyales na sobra na ang sugar sa inyong katawan.
2. Madalas na pagkakaroon ng lagnat at ubo.
Kapag ikaw ay laging nagkakaroon ng lagnat at ubo ito ay isang sinyales na mataas na ang sugar ng iyong katawan. Ang madalas na pagkain o paginom ng mga matatamis ay pwedeng magdulot ng palagiang pagkakasakit dahil pinapahina nito ang ating immune system na lumalaban sa kahit anung sakit.
3. Nagpapataas ng timbang at nagpapataba ng sobra.
Ang sobrang sugar sa ating katawan ay nagdudulot din ng sobrang pagkakaroon ng kaloris at pagkawala ng protina at fiber sa ating katawan. Kapag tayo ay kumakain ng mga pagkain na matatamis, an gating pancreas ay naglalabas ng insulin na dahilan para sa pagtaas ng ating timbang.
Ang insulin din ang nagdadala ng sugar sa ating dugo papunta sa ating mga lamang loob na nagdudulot din ng enerhiya ngunit ang pagkakaroon ng sobrang insulin sa ating katawan ay nakakasama dahil pwede ito magdulot sa hindi balanseng bilang ng sugar sa ating katawan na nagreresulta sa pagkakaroon ng diabetes ng isang tao.
4. Nagdudulot ng problema sa panlasa.
Ang madalas na pagkain o paginom ng matatamis ay nagdudulot ng problema sa ating panlasa, na pwede magdulot sa bandang huli na ang lahat nalang ng iyong panlasa ay matamis.
5. Pagkagusto o madalas na paghahanap sa mga matatamis na pagkain.
Ang madalas na paghahanap sa mga pagkain na matatamis ay isang sinyales na ikaw ay sugar adik na.
6. Nagdudulot ng problema sa utak na dahilan ng madalas na pagkain ng matatamis.
7. Pagkakaroon ng problema sa balat, sa paa at sa mga maiitim na bilog sa ating mga mata.
Ang sugar ay nagtataglay ng epekto ng pamamaga na kapag nasobrahan ka nito sa iyong katawan ay pwede ito magdulot ng pamamaga at problema sa ating balat. Ang ilan sa mga problemang ito ay eksema, taghiyawat o acne, sobrang paglalangis ng balat o sobrang pagtutuyo at rosacea. Ayon sa pag-aaral ang mga taong bihira kumain o uminom ng mga matatamis ay may magandang kutis o malusog na balat.
Ang sobrang pagkapagod na nararamdamang ng taong may mataas na sugat ay pwede magdulot din ng pagkakaroon ng eyebags o ung maitim na bilog sa ilalim ng ating mata.
8. Nagdudulot din ito ng alipunga o sugat sa mga singit singit ng ating mga daliri sa paa na pwedeng magsanhi ng pananakit ng bukong bukong at iba pang parte ng paa.
0 Mga Komento