Alam nyo ba na ang ibat-ibang posisyon pala natin kapag natutulog ay nakakaapekto sa ating kalusugan at pwede ito magdulot ng mga karamdaman sa atin. Ilan sa mga nasabing karamdaman na pwede natin makuha ay ang pagsakit ng tyan, pamumulikat, pagsakit ng ulo, dibdib, likod at leeg, at pagipit ng mga ugat na sanhi ng hindi magandang pagdaloy ng dugo sa ating katawan.
Ayon sa pag-aaral ang ibat-ibang klase ng posisyon sa pagtulog na ating nagagawa ay ang nakadapa, nakatagilid, nakabaluktot ang katawan at nakatihaya. Ngunit, ang paghiga ng nakatagilid nakaharap sa kaliwa ang posisyon na may magandang benepisyo sa ating katawan.
Narito ang mga benepisyo ng pagtulog ng nakatagilid at nakaharap sa kaliwa.
1. May benepisyo sa mga buntis.
Ayon sa pag-aaral ang mga buntis na natutulog ng nakatagilid at nakaharap sa kanilang kaliwa ay mayroong nakukuhang benepisyo tulad ng maayos at magandang pagikot ng dugo sa katawan at tinutulungan nito ang atay na magtrabaho ng maayos.
2. Madaling paglabas ng mga dumi o mga kinain natin.
Ang kaliwang bahagi ng ating katawan ay nagtataglay ng Ileocecal valve na kumukonekta sa ating maliit at malalaking bituka. Ang pagtulog na nakatagilid at nakaharap sa kaliwa ay nakakatulong sa mabilisang pagtunaw at pagalis ng mga dumi o mga kinain natin sa loob ng ating katawan dahil ang mga dumi, kemikal at mga lason ay madaling naililipat ng maliit nating bituka sa ating malaking bituka na syang nagpapaganda at nagpapanatili ng kaayusan sa loob ng ating tiyan.
3. Nakakapanormal sa takbo ng ating puso.
Ayon sa pagaaral ng mga eksperto at isa sa kanilang ipinapayo na mas maganda na tayo ay matulog ng nakatagilid at nakaharap sa kaliwa dahil ang kaliwang bahagi ng ating puso ay nabubuga ng dugo sa ating katawan. Tinutulungan nito ang ating puso na magtrabaho ng maayos pati na ang maayos na pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat.
4. Nakakatulong sa kalusugan ng ating atay.
Ang pagtulog ng patagilid at nakaharap sa kaliwa ay nakakatulong sa neutralisasyon ng mga dumi at lason bago ito matanggal sa ating katawan at kapag naman ikaw ay laging nakatagilid ng nakaharap sa kanan ang iyong atay na pupuno ng dumi at lason.
5. Nakakatulong maiwasan ang pagsikip ng dibdib.
Kapag ikaw ay nakakaranas ng acid reflux o gastroesophageal reflux o ang sakit na nakakaapekto sa daluyan ng ating mga kinakain na kung saan ang asido mula sa tiyan ay bumabalik sa ating esophagus na nagdudulot ng pananakit nito. Ang sakit na ito ay madalas nakukuha kapag tayo ay madalas nakakaramdam ng pananakit ng dibdib.
6. Nakakatulong mapaganda ang daluyan ng ating Lymphatic system.
Ang pagtulog sa iyong kaliwang posisyon ay nakakatulong sa sistemang lymphatic na maiayos ang mga protina na naaalis sa cell ng ating katawan. Ang sistemang lymphatic ang siyang nagaalis ng mga lason sa ating katawan.
7. Nakakatulong mapaganda ang pagtratrabaho ng ating Spleen o ang nagsasala sa ating pulang dugo.
Ang spleen ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng ating katawan at ito ay mas nakakapagtrabaho kapag tayo ay natulog na nakahiga at nakaharap sa kaliwa.
Hindi masamang subukan na matulog ng nakatagilid at nakaharap sa inyong kaliwa dahil marami ng nagsalaysay ng magandang benepisyo na pwede nitong dalhin sa ating katawan.
0 Mga Komento