Alam nyo ba kung ano ang lemon? At kung ano ang mga benepisyo na dala nito para sa ating katawan at sa pang araw-araw ng gawain?. Kung hindi pa halika at ating alamin.
Ang lemon ayon sa pag-aaral ay mabisang panggamot sa sakit na depresyon at sobrang pagkabahala. Ito rin ay isa sa mabisang pang linis sa loob ng bahay idagdag pa na ito ay natural at sariwa at walang kemikal.
Bukod dito dapat din nating malaman na ang simpleng paglagay pala ng lemon sa tabi natin kapag matutulog na ay may dalang napakahalagang benepisyo, ang kailangan lang gawin ay hatiin sa tatlo ang lemon at ilagay sa lamesa katabi ng inyong higaan.
Ang lemon din ay nakakatulong magpadagdag ng enerhiya, nakakapagpasaya, nakakatanggal ng hangover, nakakagamot sa hika at lagnat.
Narito ang mga magandang benepisyo na dulot ng lemon sa atin:
1. Nakakapaputi ng ngipin.
Magsipilyo gamit ang pasta gamit ang langis na galing sa lemon, baking soda at langis ng nyog, panatilihin ito ng dalawang minuto.
2. Matibay na immunity.
Ihalo lang ang langis na gaing sa lemon sa langis ng nyog para gamotin ang panlalamaig at mapaganda ang daluyan ng lymphatic. Imasahe lang ang langis nito sa balikat.
3. Magandang paguugali.
Maglagay ng langis na galing sa lemon sa loob ng inyong kwarto para maayos nito ang iyong mood at malabanan ang sakit na depresyon.
4. Panlinis ng mga kahoy at mga pilak.
Pwedeng gamitin ang langis ng lemon panlinis sa mga gamit na gawa sa kahoy at sa mga pilak.
5. Pang hilamos sa muka.
Maghilamos lang gamit ang langis ng lemon, pulot at baking soda, gawin ito para mapanatili ang ganda ng balat at lumambot ito.
6. Mabisang pangpatay ng mikrobyo.
Maglagay ng 40 patak ng langis ng lemon, 20 patak ng oil galing sa tea tree, tubig at putting suka. Ilagay ito sa lalagyanan at iispray sa mga lababo at mga comfortroom.
7. Nakakapababa ng timbang.
Maglagay lang ng dalawang patak ng langis ng lemon sa baso ng tubig at inumin ito tatlong beses sa loob ng isang araw.
8. Nakakatulong sa mga maduduming damit.
Maglagay lang ng ilang patak ng langis ng lemon sa lalabhan na damit para maalis ang mabahong amoy nito.
9. Nakakatanggal ng mantsa sa kamay.
Lagyan ng langis ng lemon ang sabon bago ito gamiting panlinis ng kamay at pangtanggal ng mga mantsa sa kamay tulad ng grasa at iba pa.
0 Mga Komento