Nangangati ba lagi ang inyong tenga? Alam nyo ba kung ano ang tamang paraan ng paglinis nito? Kung hindi pa halika at ating alamin.
Ang earwax o tutuli ay importante sa panlabas ng ating mga tenga dahil ito ang nagsisilbing taga protekta sa ating tenga. Subalit ang sobrang tuli o dumi sa ating tenga ay pwedeng dahilan ng pagbabara sa kanal ng ating tenga.
Pwede din ito magdulot ng pananakit ng tenga, pagkahilo, pagkabingi, mabahong amoy at pag-ugong sa loob ng tenga natin. Kadalasan ang mga earwax o tutuli ay kusang lumalabas sa dulo ng ating tenga pero ginagamitan pa din natin ito ng panglinis o pangsungkit sa mga tutuli na lumalabas.
Narito ang paraan at kagamitan para linisin ng maayos ang ating tengs:
1. Hydrogen peroxide.
Maghalo ng tubig at 3 posyento ng hydrogen peroxide.
Ihiga ang ulo at patakan ng pinaghalong tubig at hydrogen peroxide.
Iwan ito ng 5 hangang 10 minuto.
Ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang tubig, punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
Gawin ito isang beses lang sa loob ng isang linggo.
2. Suka at alkohol.
Maghalo ng puting suka at alkohol.
Kumuha ng bulak at idampi sa ginawang gamot.
Ihiga ang ulo at patakan ng pinaghalong suka at alkohol.
Iwan ito ng 3 hangang 5 minuto.
Ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang tubig.
Punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
3. Baking soda.
Maghalo ng ¼ kutsarita ng baking soda at 2 kutsarang tubig, haluin itong maige.
Ihiga ang ulo at patakan ng pinaghalong baking soda at tubig.
Iwan ito ng 10 minuto.
Ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang tubig.
Punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
4. Saline water.
Ito yung tubig na nasa loob ng dextrose na tumutulong mapalambot ang tutuli para madali itong kuhain.
Maghalo lang ng isang kutsaritang asin sa maligamgam na tubig.
Haluin itong mabuti hangang sa ito ay matunaw.
Kumuha ng bulak, idampi ito sa tubig at ipatak sa tenga, ihiga ang ulo pagkatapos patakan ng 5 minuto.
Ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang saline water.
Punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
5. Iwasan ang gumamit ng mga kung ano- anong panglinis ng tenga tulad ng mga matutulis na bagay, paper clips o kaya ay susi. Iwasan din gumamit ng cotton buds dahil itinutulak lang nito paloob ang tutuli na dahilan para lalong bumara ang kanal ng tenga.
6. Maligamgam na tubig.
Kumuha ng maligamgam na tubig, ihiga ang ulo patagilid at ipatak ang maligamgam na tubig sa tenga, hayaan ito ng mga 2 hangang 3 minuto. Ihiga sa kabilang pwesto ang ulo para lumabas ang tubig at punasan ito ng bulak.
7. Kumain ng mga pagkaing may omega 3 fatty acids.
8. Langis ng nyog.
Patakang ng maligamgam na langis ng nyog ang tenga, ihiga ang ulo at iwan ito ng 10 minuto, kunin ang bulak at ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang natitirang langis, punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
9. Olive oil.
Patakang ng maligamgam na olive oil ang tenga at takpan ito ng bulak. ihiga ang ulo at iwan ito ng 10 minuto, kunin ang bulak at ihiga ulit ang ulo sa kabilang pwesto para lumabas ang natitirang langis, punasan ang labas ng tenga ng malinis na basahan.
0 Mga Komento