Subscribe Us

Narito ang Limang Paraan Upang Pumuti ang Inyong Siko sa Pamamagitan ng Natural na Paraan. Alamin Dito.

Dahil sa pabago-bagong klima, at extreme na taglamig na ating nararanasan may mga taong nagkakaroon ng tuyo at tila mala kaliskis na siko. Ito ay pangkaraniwan at sadyang nakakainis na problema. Minsan nga, kapag sobrang tuyo eh medyo makati ito.
May mga pagkakataon na ang tuyong balat ay sintomas ng mga sakit katulad ng diabetes, eczema, scleroderma, dermatitis o psoriasis. Kung ano man ang dahilan ng pagkatuyo at pagmumukhang kaliskis ng iyong siko, maaaring kang gumawa ng mga bagay upang bumalik ito sa natural na malambot at makinis na hitsura nito. 
Ang mga sumusunod ay maaari mong subukan: 

1. Magexfoliate 
Ang pageexfoliate sa iyong siko ay ang una at pinakamahalagang hakbang upang tanggalin ang tuyo at mala kaliskis na hitsura nito. Ito ay nagtatanggal ng mga patay na skin cells at nilalabas ang maganda at malusog na balat sa ilalim nito. 
Nirerekumenda na gawin ito habang naliligo dahil moist ang balat kapag nagsashower. Maaari kang gumamit ng loofah, bimpo, o di kaya’y panghilod. Kahit ano pa ang gamit mo, ang mahalaga ay gawin ito ng dahan-dahan. 
2. Petroleum Jelly 
Isa sa pangakaraniwang nakikita natin sa ating medicine cabinet ang petroleum jelly. Ang di natin alam ay epektibo ito sa paglaban sa tuyo at makating siko. Ang moisturizing properties nito ang syang tumutulong sa paglaban sa malakaliskis na siko.
Nagsisilbi itong pangharang sa balat at pinapanatili ang moisture dito. Maglagay lamang ng petroleum jelly sa siko bago matulog. Lagyan ng tennis wrist band ang siko para di kumalat ang petroleum jelly sa kama at manatili ito sa siko. 
3. Coconut Oil 
Ang coconut oil ay mataas ang kakayanang magmoisturize ng balat, kung kaya’t epektibo ito sa paggamot sa tuyo at malakaliskis na siko. Ito ay mayroong Vitamin E na nakakatulong sa pagpapapusyaw ng kulay ng siko kasama na ng pagtanggal ng dryness rito.
Bahagyang painitin ang coconut oil sa microwave bago ito dahan-dahang ikuskos sa siko. Masahiin ito sa siko upang pumasok ang coconut oil sa kaibuturan ng balat. Gawing ito pagkatapos maligo at bago matulog araw-araw at paniguradong gaganda ang siko mo sa loob ng isang linggo. 
4. Olive Oil at Brown Sugar 
Ang texture ng brown sugar at ang moisturizing properties ng olive oil ay tunay na mainam na kombinasyon. Habang ineexfoliate ng brown sugar ang tuyong balat sa siko, ang olive oil naman ay ang syang magmomoisturize ng balat.
Sa maliit na lalagyan, paghaluin ang ¼ tasa ng brown sugar at ¼ tasa ng olive oil. Paghaluin ng maigi ang dalawang sangkap na ito. Maaari ka ring maglagay ng pulot kung iyong nanaisin. Masahiin ito sa balat at hayaang nakababad sa loob ng 10 minuto bago banlwan. 
5. Aloe Vera 
Ang aloe vera ay sadyang mainam na natural na moisturizer na nakatutulong sa tuyo at malakaliskis na siko. Kaya nitong panatilihing moisturized ang balat habang ginagamot ang damaged na skin cells. Napapapsuyaw rin nito ang balat.
Magextract lamang ng gel mula sa dahon ng aloe vera. Ilagay ang gel na ito sa iyong siko at hayaang nakababad sa loob ng 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Ulitin ito ng 1 o hanggang 2 beses sa isang araw upang bye bye sa sikong tuyo. 

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento