Subscribe Us

Narito ang mga Beauty Steps na Dapat Gawin Bago Matulog Upang Maging Healthy, Mukang Bata at Makinis ang Inyong mga Balat. Basahin Dito.

Madalas na buong araw nakaexpose ang ating mga balat sa harsh na ultra violet (UV) sunrays, alikabok at polusyon sa hangin, kemikal at pabago-bagong klima. Sa matagalan, ang mga bagay na ito ay nagdudulot ng damage sa iyong balat at humahantong sa wrinkles, fine lines, at pangit na balat.
Habang natutulog tayo, nirerepair ng balata ng sarili nito, kaya naman importante ang skin routine bago matulog. Magbigay lamang ng ilang minuto upang alagaan ang balat tuwing gabi at makikita moa ng malaking pinagkaiba sa iyong balat. Mas magiging glowing, mawawala ang blemishes, at marerejuvenate ang balat.
Ang mga sumusunod ay maaaring gawin sa gabi bago matulog:

1. Tanggalin ang MakeUp.

Kahit sobrang busy o pagod na pagod, kailangan mong tanggalin ang iyong makeup bago matulog. Ito ay mahalaga kung gusto mong magmukhang bata ang iyong kutis. Kapag ikaw ay natutulog sa gabi, inaayos ng balat ng sarili nito at nagbubukas ang mga pores. 

Ngunit kung mayroong layer ng makeup sa mukha katulad ng lipstick, mascara, foundation, highlighter, at eyeshadow, nababara ang pores. Ito ay nagreresulta sa dark spots, hindi pantay na balat, at pagdami ng pimples. Maaaring gumamit ng makeup remover, facial cleanser, o cold cream upang tanggalin ang makeup.
2. Gumamit ng Toner. 

Bawat gabi bago matulog, kailangan gumamit ng toner. Tinutulungan nito na ibalik ang natural na pH levels ng balat na syang pananggalang sa bacteria at mikrobyo.Ito rin ay nakakalinis ng mukha, natatanggal ang mga alikabok, polusyon, at impurities sa balat.

Maraming uri ng toner na pwedeng bilhin base sa klase ng balat na mayroon ka. Kung gusto mo ng natural na toner, ang rose water ang pinakaepektibo. Maglagay lamang ng toner sa bulak at ikuskos ito sa mukha at leeg.
3. Gumamit ng Hand Cream.

Upang panatilihing makinis at malambot ang mga kamay buong araw, kailangan alagaan mo ang mga ito sa tamang paraan. Hugasan ang mga kamay ng maigi gamit ang maligamag na tubig at mild na sabon, patuyuin gamit ang tuwalya at maglagay ng hand cream.

Gumamit ng thick, plain, at medyo greasy na hand cream upang panatilihing moisturized ang kamay buong gabi. Tutulungan nito ang iyong kamay at kuko na magmukhang maganda. Ang iyong mga cuticles ay magkakaroon rin ng magandang hugis.
4. Gumamit ng Eye Cream. 

Ang bahaging malapit sa ating mga mata ay ang unag parte ng mukha na nagpapakita ng signs of aging. Kaya naman mahalaga na pangalagaan sa tamang paraan ang mga mata. Ang unang dapat gawin ay ang pagtanggal ng lahat ng makeup sa mata. Pagkatapos itong gawin, maglagay ng eye cream bago matulog.

Gumamit ng lightweight eye cream na mayroong sangkap katulad ng caffeine, peptides, antioxidants, at brighteners. Simulan ang paglagay nito sa bahaging bandang mata palabas.
5. Maglagay ng Petroleum Jelly sa Paa.

 Ang maganda at malusog na paa ay replekson ng ganda at personalidad ng isang tao. Ito ay ang dahilan kung bakit di ito pwedeng baliwalain bago matulog.

Pagkatapos hugasan ang paa gamit ang maligamgam na tubig, patuyuin ito sa tuwalya. Maglagay ng petroleum jelly o foot cream sa tuyo at magaspang na balat sa paa upang mapigilan ang pagkakaroon ng bako-bakong sakong. Magmedyas bago matulog.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento