Nagkakaproblema kaba sa pagtulog? May sumasakit ba sa mga katawan mo pagkagising mo? Kung mayroon narito ang mga paraan na nadiskobre ng mga siyentipiko para maiwasan o gamutin ang mga nararamdamang sakit o ang hirap sa pagtulog.
Narito ang mga kadalasang nararamdamang sakit at ang mga paraan ng paggamot dito:
1. Back pain o pananakit ng likod.
Madalas itong nararanasan kapag hindi tama ang posisyon ng ating pagtulog. Ang unang paraan para ito maiwasan ay ang bumili ng bagong higaang kutson, huwag piliin ang sobrang lambot na kutson dahil hindi ito maganda sa ating likod. Matulog ng nakatihaya at maglagay ng unan sa may ilalim ng tuhod. Humiga ng nakatagilid at maglagay ng unan sa gitna ng likod ng iyong tuhod.
2. Snoring o paghilik.
Ang paghilik ay kadalasang kinaiinisan ng ating mga katabi. Para maiwasan ang paghilik, iwasang matulog ng nakatihaya dahil ang ating dila ay bumababa papunta sa lalamunan na dahilan ng pagsikip ng daanan ng hangin na nagdudulot ng paghilik. Matulog ng nakatagilid.
3. Neck pain o pananakit ng leeg.
Para maiwasan ito matulog ng nakatihaya at maglagay ng unan sa ulo at dalawang unan para sa braso. Mainam na piliin ang mga unan na nakarolyo o ung orthopedic na unan para maiwasan ang pananakit ng leeg. Kapag ikaw naman ay sanay na natutulog ng nakatagilid, maglagay lang ng unan sa may leeg pero siguraduhin na hindi nito matataasan ang iyong balikat.
4. Shoulder Pain o pananakit ng balikat.
Madalas itong nararanasan kapag ikaw ay natulog sa iisang position o sa parehong gilid lang. Iwasan ang masyadong malambot na unan dahil pwede ito makasira sa porma o hugis ng iyong balikat.
5. Leg crams o namumulikat na bente at paa.
Madalas itong nararanasan kapag tayo ay natutulog sa iisang posisyon at hindi natin nagagalaw ang ating binti. Para matanggal ang pamumulikat iunat lang ang binti o di kaya ay imasahe ito.
6. Hindi makatulog agad.
Ang dahilan ng hirap sa pagtulog ay ang mga kagamitan na ginagamitan ng kuryente tulad ng mga telepono, laptop or computer at iba pang mga gamit pang laro. Para makatulog agad itabi na ang mga gamit na ito isang oras bago matulog. Iwasan din ang uminom ng kape at kumain ng matatamis tulad ng tyokolate.
7. Hirap magising agad.
Madali lang ang solusyon dito, matulog lang ng maaga gabi gabi at magtakda ng oras ng gising gamit ang iyong orasan. Kapag ito ay iyong nagawa ng mga ilang araw o lingo ang iyong katawan ay masasanay at ikaw ay madali ng magigising.
8. Ang hindi maipaliwanag na madalas na paggising.
Pwede itong mangyari dahil sa temperatura ng iyong kwarto o di kaya ay nasobrahan ng paginom ng mga inuming may alkohol bago matulog.
0 Mga Komento