Subscribe Us

Narito ang mga Paraan upang Maitaboy ang mga Butiki sa Inyong Pamamahay.

Kahit na maraming mabuting nagagawa ang mga butiki, dahil kinakain nila ang mga masasamang insekto at gagamba sa iyong bahay, marami parin ang natatakot at nadidiri sa mga ito. Ang mga butiki ay madalas nakikita sa mga maiinit na lugar, kung saan naroon ang sila kumukuha ng kanilang kakainin.
Maraming tao ang hindi kayang titigan ang mga hayop na ito, kaya marami ang may gusto na paalisin sila sa kanilang pamamahay. Ang pagtaboy sa mga ito at pagpigil sa pagbabalik nila ay hindi naman ganoon kahirap. Pero, kung sobrang dami ng butiki sa bahay, mainam na magpa-pest control na lamang.
Ang mga sumusunod ay ang mga mabisang paraan upa itaboy ang mga butiki:

1. Panatilihing malinis ang bahay. 
Upang hindi pumasok ang mga butiki sa iyong tahanan, dapat maramdaman nila na hindi sila welcome. Ito ay magagawa ng simpleng pagwawalis sa bahay. Palagi lamang isipin na ang madumi at makalat na bahay ay nagiimbita ng mga butiki, ito ay dahil mayroong taguan at pagkain para sa kanila.
2. Tanggalin ang pinagkukunan ng pagkain. 
Lahat ng mga hayop kailangan ng pagkain upang mabuhay. Ang pagtanggal sa pinagkukunan nila ng pagkain ay isa sa pinakamabisang paraan ubang itaboy ang mga butiki. Gawin ang makakaya upang walang insekto sa bahay. Kung walang insektong makakain ang mga butiki, natural lamang na umalis sila upang maghanap ng makakain sa ibang lugar.
3. Harangan ang pwedeng daanan. 
Kung nais tabuyin ang mga butiki, dapat maging masipag sa pagseal ng mga maaaring daanan ng mga ito sa iyong bahay. Ang mga hayop na ito ay kayang ipagsiksikan ang kanilang mga makaliskis na katawan kahit sa mga maliliit na siwang lamang. Kaya naman kahit yaong mga maliliit na butas o bika ay nagsisilbing lagusan para sa mga ito.
4. Gumamit ng Pepper Spray. 
 Mayroong lamang ilang peste na kayang tagalan ang burning sensation na dala ng mga pepper spray, at hindi kasama rito ang mga butiki. Maiirita ang mga ito at sila ay tatakbo palayo sa iyong bahay.
5. Magspray ng malamig na tubig. 
Ang mga butiki ay sensitibo sa pagbabago ng temperatura, ito ay nakakaapekto sa kanilang paggalaw. Kaya naman ang pagspray ng malamig na malamig na tubig sa mga ito ay mainam na gawin upang sila ay itaboy.
6. Tanglad.
 Ang mga insekto at mga peste ay ayaw na ayaw sa matinding amoy ng tanglad. Ito ay gumagana rin bilang panaboy ng butiki. Maaaring magsunog ng tanglad at maglakad lakad sa bahay upang kumalat ang amoy ng tanglad at umalis ang mga butiki. Gawin ito sa loob ng isang linggo, araw-araw at siguradong magiging butiki-free ang iyong tahanan.
7. Alkampor.
Ang matinding amoy ng alkampor ay nagtataboy rin ng mga butiki palayo sa iyong bahay. Maglagay lamang ng alkampor sa iba’t-ibang bahagi ng bahay, sa mga sulok o kung saan man madalas may butiking gumagapang.
8. Magalaga ng pusa upang habulin ito. 
Kung wala kang alagang pusa, oras na para bumili. Gustong gusto ng pusa na habulin ang mga butiki, bubwit, at ipis. Madali nitong mahuhulo ang mga peste. Hindi lamang butiki pati na rin ang iba pang gumagapang, siguradong maglalaho yan kapag may munying sa tahanan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento