Kayo ba ay may problema sa ngipin? O di kaya ay may naninilaw na ngipin? Nahihiya ba kayong ipakita sa publiko ang inyong mga ngipin dahil sa hindi mapaliwanag na kulay nito? Kung ganon, mayroong mga gamit na madalas makita sa bahay na pwedeng solusyon sa iyong problema.
Ang paninilaw ng ngipin ay madalas dahil sa pagtanda natin, hindi naaalagaan ng maige, namamana o sobrang pagkonsumo ng kape, tabako, tsaa o kaya ay sigarilyo.
Narito ang mga natural na pamamaraan o kagamitan para pumuti ang inyong mga dilaw na ngipin:
1. Baking soda.
Ito ay isa sa mabisang sangkap pampaputi ng ngipin.
Lagyan ng baking soda ay iyong toothpaste kapag ikaw ay magsisipilyo na at hugasan ang ngipin ng maligamgam na tubig.
Pwede rin itong pangmumog, kumuha lang ng isang kutsarang baking soda ihalo ito sa kalahating kutsarang ydrogen peroxide at malamig na tubig, gawin ito dalawa o tatlong beses sa loob ng isang araw.
Pwede rin ikuskus ang tinunaw na baking soda sa ngipin sa loob ng dalawang minuto.
Gawin ito dalawang beses sa loob ng unang isang lingo tapos 15 araw na sunod sunod.
2. Asin.
Ang asin ang isa sa pinakamabisa at pinakamatagal ng ginagamit na pampaputi ng ngipin. Nakakatulong itong maibalik ang mga nawalang mineral sa ngipin.
Magsipilyo sa umaga gamit ang asin pampalit sa toothpaste o di kaya ay ihalo ito sa uling at sa baking soda at ito ang isipilyo sa ngipin.
Paalala lang ang sobrang paggamit o pang hindi maingat na pagkuskus ng asin ay pwedeng makasira ng gilagid at ng enamel ng mga ngipin.
3. Strawberries.
Magdurog ng strawberries at gawin itong parang pasta.
Ikuskus ang pasta sa ngipin ng dahan dahan.
Gawin ito dalawang beses ng mga ilang linggo para mawala ang paninilaw ng ngipin.
Pwede din itong ihalo sa baking soda at ilagay sa ngipin, patuyuin ito bago kuskusin ng sipilyo at hugasan para matanggal ang mga tira tira.
4. Balat ng orange.
Ikuskus ang balat ng orange sa ngipin bawat gabi bago matulog
Gawin ito ng mga ilang linggo.
Kapag walang sariwang balat ng orange pwede din gamitin ang tuyo at powder na na balat ng orange.
5. Lemon.
Ang pagmumog gamit ang katas ng lemon o pagpahid ng balat ng lemon ay isa sa pinakamabisang pampaputi ng ngipin.
Ihalo lang ang katas nito sa asin at ipahid ito sa naninilaw na ngipin at sa gilagid.
Iwan ito ng mga ilang minuto bago ito hugasan ng tubig.
Gawin ito dalawang beses araw-araw sa loob ng dalawang linggo para maalis ang paninilaw at ang tinga tinga sa ngipin.
0 Mga Komento