Karamihan sa ating mga kababaihan ay nakakaranas na minsan ay mas magulang pa tayo sa ating mga asawa kesa sa ating mga anak. Ang hindi alam ng ating mga asawa ay isa ito sa mga nagdudulot ng stress sa atin at umuubos ng ating lakas.
Ang kasal para sa mga kababaihan ay parang pagiging ina dahil kadalasan mas nagdudulot pa ng stress ang mga asawa kaysa sa sa kanilang mga anak. Ayon sa pagaaral tatlo sa apat na ina na may asawa ang nagsasabi na sila ang gumagawa ng halos lahat ng gawain sa bahay at pag-aalaga ng kanilang mga anak.
Isa sa limang ina ang nagsasabi na ang pinaka sanhi ng kanilang stress ay ang hindi pagtulong ng mga asawa nila sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga ng kanilang anak. Isa pa sa nagdudulot ng stress sa mga ina ay ang kakulangan ng oras na gawin ang lahat ng mga dapat gawin.
Ayon sa mga pag-aaral napagalaman na karamihan sa mga asawang lalake na namamatayan ng asawa ay madalas nawawalan ng sigla, nangangayayat at humihina ang katawan samantalang ang mga asawang babae naman kapag namamatayan ng asawa ay lalong gumaganda at sumisigla at mabilis nakakaalis sa pagkastress at sa depresyon na kanilang nararamdaman.
Para maiwasan ang sobrang stress na nararamdaman sa kanilang mga asawa at gawain sa bahay, narito ang ibat-ibang paraan na pwedeng gawin:
1. Ayusin at pagusapan ang mga gawain na dapat gawin sa loob ng bahay dapat maglaan ng oras para mahati ng maayos ang mga responsibilidad sa tahanan at sa pamilya. Ipaliwanag lahat sa asawa ang mga gawain sa bahay para ito ay inyong mapagtutulungan.
2. Iwasan na gawin ang lahat ng gawain sa bahay kung ito naman ay kayang gawin ng inyong asawa at para ito din ay magawa ng ayos. Pagkatiwalaan sila sa mga gawain para hindi sila tamarin na gawin ito ulit.
3. Marami sa mga mag-asawa ang inuuna gawin ang mga dapat gawin sa loob ng bahay kesa pagtuunan ang kanilang relasyon sa kanilang asawa. Dapat huwag natin itong isantabi, mahalaga na maglaan din ng oras para sa sarili at para sa ating mga asawa. Kailangan nating pagtibayin ang pagsasama natin sa ating mga asawa para magkaroon ng matibay at masayang pamilya.
0 Mga Komento