Ang anak nyo ba ay mahilig magsipsip ng daliri, pacifier at iba pang bagay?. Natural lang sa kanila lalo na sa mga sangol ang magsipsip ng daliri dahil ito ang madalas na nakakapagpapasaya at isa din ito sa nakakapagpatulog sa kanina.
Madalas tumitigil ang pagsisipsip ng daliri ng mga batang may edad dalawa hanggang apat o kapag ang ngipin nila sa unahan ay permanente na. Ngunit may mga bata na nagiiba ang pwesto ng ngipin dahil sa sobrang pagsipsip ng daliri, kapag napansin ito sa inyong anak, kumunsulta agad sa dentista para ito ay maagapan.
Para tuluyan ng maiwasan o maialis ang pag-uugali na pagsipsip ng daliri sa inyong mga anak, narito ang mga ilang payo na siguradong makakatulong:
Simulan ito sa pakikipag-usap sa inyong mga anak tungkol sa masamang epekto ng pagsipsip ng daliri. Ang pakikipag-usap sa inyong mga anak ay nakakatulong sa kanilang desisyon na tuluyan ng iwasan o alisin ang pagsipsip ng kanilang mga daliri. Narito ang mga bagay bagay na pwedeng nyong pag-usapan ng inyong anak tungkol sa pagsipsip ng kanilang mga daliri.
1. Ang pagsipsip ng daliri ay pwede magdulot ng pagkalat ng mikrobyo sa loob ng katawan ng ating mga anak na dahilan din ng pagkakasakit nila.
2. Pwede din ito magdulot ng problema sa pagsasalita dahil habang nakasubo ang daliri ng inyong anak sa kanilang bibig ay mahihirapan sila na matutuo agad magsalita.
3. Ito din ay may masamang epekto sa pagtubo ng ngipin ng ating mga anak dahil pwede nitong maitulak palabas ang ngipin na kapag hindi naagapan agad ay pwede magresulta sa pagsusuot ng braces o isang uri ng pagtuwid na nilalagay sa ngipin.
4. Pwede din itong maging dahilan ng pagtutukso ng ibang bata sa inyong mga anak dahil iniisip nila na ang mga batang nagsisipsip ng kanilang daliri ay sangol pa.
Narito ang iba pang pwedeng gawin para tuluyan ng maialis ang pagsipsip ng daliri ng inyong mga anak:
1. Humanap ng mga bagay o gamit na pwedeng pamalit sa pagsipsip ng kanilang daliri tulad ng teether na nakakatulong din sa pagsibol ng kanilang mga ngipin.
2. Pwede nyo din sila pakitaan ng mga video tungkol sa mga batang nagsisipsip ng kanilang mga daliri.
3. Pwedeng maglagay ng sticker chart o gumawa ng kasunduan na may kasamang premyo sa anak nyo na hindi na magsisipsip ng kanilang mga daliri. Halimbawa sa bawat oras o panahon na hindi sila magsisipsip ng kanilang mga daliri ay pwede nyo silang bigyan ng sticker o premyo para ganahan sila na hindi na magsipsip hanggang sa tuluyan nanila itong makalimutan.
4. Pag-aralan ang mga oras o panahon kung kelan sila nagsisipsip ng daliri at pwede mag-isip ng mga paraan para maiwasan ang ganitong gawain sa mga oras na ginagawa nila ito. Halimbawa kapag kayo ay nanunuod ng tv at napansin nyo silang nagsisipsip ng daliri pwede nyong patayin ang tv at sabihan sila na hindi nyo bubuksan ito hanggat hindi nila tinatanggal ang daliri nila sa kanilang mga bibig.
5. Purihin sila sa tuwing hindi sila nagsisipsip ng kanilang mga daliri dahil nakakatulong ito na lalo silang ganahan sa kanilang tuluyang pag-iwas.
Mas mabuting turuan natin sila habang maaga a dahil ang lahat ng kanilang ginagawa ay madalas naggagaling o nakikita nila sa ating mga magulang nila.
0 Mga Komento