Alam nyo ba na karamihan sa mga pagkain na madalas nating kainin ay nakakasira sa ating mga ngipin? Kung hindi pa narito at ating alamin kung anu anu ito.
Narito ang Pitong klase ng pagkain na nakakasira ng ating ngipin:
1. Candy.
Ang sobrang pagkain ng matatamis na pagkain tulad ng kendi ay hindi maganda at nakakasama sa kalusugan ng ating mga ngipin. Ang matitigas na klase ng kendi ay higit na nakakasira sa ating ngipin dahil bukod sa sobrang tamis nito, masyado din ito matigas na dahilan para mabasag o masira ang ating mga ngipin kapag ito ay ating kinakagat.
2. Soda.
Ang sobrang pagkain ng matatamis na pagkain at paginom ng mga softdrinks o inumin na may soda ay nagdudulot ng bakterya na gumagamit ng asido para sirain ang enamel ng iyong ngipin o ang matigas na bahagi nito. Ang mga softdrinks tulad ng diet soda ay nagtataglay ng sobrang asido na nakakasama at nakakasira sa ating mga ngipin. Kaya kapag ikaw ang uminom ng softdrinks sabayan ito ng isang basong tubig.
3. Kape.
Ang kape o ang tsaa ay nagdudulot ng panunuyo ng bunganga at paninilaw ng mga ngipin, kaya pagtapos uminom ng kape at tsaa, uminom din ng tubig at subukang bawasan ang bilang ng iba pang sangkap na nilalagay sa kape.
4. Yelo.
Ang yelo ay ginagamit para palamigin ang mga inumin o mga pagkain, ngunit mayroong mga tao na mas gusto ang itong nginunguya dahil daw ito ay maganda para sa kanilang ngipin. Ayon sa mga ito ang yelo daw ay tubig din na pinatigas at hindi ito nagtataglay ng sugar o hindi sya matamis kaya maganda ito para sa ating ngipin ngunit ang paniniwalang ito ay mali. Ang pagnguya ng yelo ay nakakasama sa ating mga ngipin dahil pwede itong magdulot ng pagkasira ng enamel at ng kalusugan ng ating mga ngipin. Mas mainam pa din na inumin ang tubig sa kung anu man ang porma nito kesa gawin itong yelo.
5. Mga malulutong na pagkain.
Iwasang kainin ang mga pagkain na malulutong katulad ng potato chips dahil ito ay nagtataglay ng starch na sumisingit sa pagitan ng mga ngipin natin. Mag-ingat at siguraduhing madahan ang paggamit ng pangtanggal sa mga nakasingit na pagkain sa ating ngipin dahil pwede ito magdulot ng pagkasira o pagsugat sa ating mga gilagid.
6. Alak.
Ang paginom ng alak ay nagdudulot ng panunuyo ng bunganga, dehydration at pagunti ng laway na pwedeng magdulot ng pagkasira ng ngipin at inpeksyon sa gilagid. Kapag nasobrahan ang pag-inom ng alak pwede ito magdulot ng kanser sa bunganga.
7. Mga maasim na pagkain o inumin.
May mga kasabihan na ang mga maasim na pagkain tulad ng mga prutas ay nakakatulong sa pagpapatibay ng ating mga ngipin ngunit sa kabilang banda ito ay hindi masyadong totoo. Ang sobrang pagkain o paginom ng maasim na pagkain ay hindi maganda sa enamel ng ating ngipin dahilan para ito ay magdulot ng pagkasira. Ang mga prutas na maasim ay nagdudulot din ng problema sa loob ng ating bibig, kaya kapag ikaw ay uminom ng kalamansi juice or lemon juice siguraduhin na uminom ulit ng tubig.
0 Mga Komento