Mahilig kabang uminom ng tubig? Nakaka ilang baso ka ng tubig sa loob ng isang araw? Alam mo ba na ang tubig ay maganda para sa ating kalusugan?. Kung hindi pa halika at ating alamin kung bakit.
Ang ating katawan ay naglalaman ng halos 60 porsyento ng tubig, kaya dapat nating panatilihin ang ating katawan na hydrated dahil ito ay nakakatulong sa pagbabahagi ng nutriyents, sa kalusugan ng ating balat at sa pagpapaliksi ng ating kalamnan. Ang pagsipsip ng tubig ay nakakatulong sa kalusugan ng ating mga ngipin lalo na kapag ito ay fluoridated.
Narito ang dahilan kung bakit ito ay maganda para sa ating ngipin.
1. Pinapatibay nito ang ating mga ngipin.
Ang paginom ng tubig na may fluoride ay nakakatulong para maiwasan ang pagkasira at pagkakaroon ng cavitie ng ating mga ngipin.
2. Ito ay walang Calories.
Ayon sa pag-aaral ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong sa pagpapababa ng ating timbang at sa pagbawas ng bilang ng sugar at calorie sa ating katawan na sanhi ng matatamis na pagkain at inumin. Ito din ay nakakatulong sa ating kalusugan at sa ating ngipin.
3. Pinapanatili nito ang kalinisan ng ating mga bibig.
Ang pag-inom ng mga juice, soda o mga iniinom ng mga manlalaro nagiiwan ng sugar sa ating mga ngipin na dahilan ng pagkasira nito. Ang mga cavity na nagdudulot ng bakterya sa ating bibig ay dulot ng mga pagkain na matatamis na siyang sumisira sa enamel n gating mga ngipin o ang matibay na bahagi nito.
Ang tubig ang siyang naglilinis at nagaalis ng mga sugar o mga pagkain na naiiwan sa ating mga bibig na nagdudulot ng cavity, pero kinakailangan pa din nating magtoothbrush araw araw para mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng ating mga ngipin.
4. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagtutuyo ng bibig.
Ang ating laway ang nagsisilbing tagapagtanggol o ang lumalaban sa mga decay na nagdudulot ng pagkasira ng ating mga ngipin. Nakakatulong din ito sa pagalis ng mga tirang pagkain, sa mabilis at maayos na pagnguya at sa pagpapanatili ng katibayan ng ating mga ngipin sa tulong ng calcium, phosphate at fluoride. Kapag kunti ang ating laway magdudulot ito ng tuyong bibig na isang dahilan ng pagkasira ng ating mga ngipin, ang madalas na pag-inom ng tubig ay nakakatulong para maiwasan ito.
0 Mga Komento