Ang reflexology ay isang uri ng paggagamot na kung saan ay pinipisil o minamasahe ang mga bahagi ng ating katawan. Ang mga bahaging ito ay may katumbas na ginagamot na sakit o parte sa loob ng ating katawan. Mayroon din reflexology para sa mga bata at sanggol, narito at ating alamin.
Paalala ayon sa pag-aaral bago simulan ang pagmamasahe siguraduhin na ang ating mga anak ay nagpapahinga at para maganda ang daloy ng dugo dapat himasin ang paa o di kaya ay maligo sila sa maligamgam na tubig.
Narito ang Anim na pamamaraan para matulungan ang ating mga anak na maibsan ang sakit na kanilang nararamdamang.
1. Pananakit sa Sinus
• Ang sinus ay ang pagitan ng mga buto sa paligid ng mga ilong. Ang pananakit ng sinus ay bihira maranasan ng mga bata at kapag ito ay kanilang naramdaman, imasahe lang ang kanilang talampakan sa gitnang parte ng mga daliri, lagyan ng kunting diin para tuluyang mawala ang pananakit.
2. Pananakit ng ulo at ngipin
• Ang mga bata lalo na ang mga sangol ay madalas nakakaranas ng pananakit ng ulo at ngipin. Kapag ito ay naramdaman ng inyong mga anak, imasahe lang ang kanilang talampakan sa parteng dulo ng mga daliri nila sa paa, gawin ito habang sila ay natutulog.
3. Pananakit ng Balakang
• Ang mga sangol ay mabilis lumali kasabay din nito ang paglaki ng ibang parte ng kanilang katawan na madalas nagdudulot ng pananakit sa kanilang balakang. Para mawala ang sakit na kanilang nararamdaman, imasahe lang ang kanilang talampakan sa bahagi ng kanilang sakong, ito din ay nakakatulong sa pananakit ng kanilang tyan at hirap sa pagdumi.
4. Pananakit ng tyan
• Para sa mga batang nakakaranas ng pananakit ng tiyan, sikmura at paninikip at hirap sa paghinga, imasahe lang ang gitnang parte ng kanilang talampakan sa baba ng pads sa parte kung saan ang arko ay nagsisimula. Ang bahaging ito ay nakakonekta sa Solar Plexus o ang mga koleksyon ng mga ugat sa pagitan ng tiyan at ng baga.
5. Pananakit ng taas at baba na parte ng abdomen
• Para sa mga batang nakakaranas ng hirap sa pagdumi, hirap sa pagtunaw ng mga kinain at pananakit ng dibdib o heartburn, imasahe lang ang espasyo sa pagitan ng gitnang bahagi ng paa ng bata at ng pads. Kapag sila naman ay nakakaranas ng sakit sa gas at paglobo ng tyan, imasahe lang ang gitnang bahagi ng talampakan at ng sakong.
6. Pananakit ng dibdib
• Kapag ang inyong anak ay nakakaranas ng pananakit ng dibdib, imasahe lang ang kanilang talampakan sa parteng baba ng mga daliri. Lagyan ng kunting diin ang pagpisil at pagmasahe para mawala ang mga pananakit at pag-ubo.
Ang mga nabangit ay panandalian lamang na panlunas, kung ang nararamdamang sakit ng inyong mga anak ay tumagal at lumala, mainam na ikonsulta agad sila sa mga Doktor.
0 Mga Komento