Natural lang sa ating mga tao ang makaramdam ng sakit, ng saya o ng lungkot, madalas natin ito inilalabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Mayroon sa atin na mahirap paiyakin o hindi lang talaga nila madalas pinapakita ang kanilang emosyon, mayroon namang tao na masyadong maramdamin, madaling mapaiyak ng simpleng bagay lang.
Ngunit ang pag-iyak pala ay nakakabuti sa ating kalusugan dahil pinapakita nito ang kalakasan ng isang tao.
1. Ang pag-iyak ay nakakatulong sa pagpigil ng stress na ating nararamdaman o mararamdaman.
Tayo ay pwedeng makaranas ng lungkot, pagkabahala, pagluluksa, o sakit, pero lagi natin tatandaan na dapat bigyan natin ang sarili natin ng oras para malampasan o maalis lahat ng ito na madalas nagpapasakit sa ating ulo at kalooban. Sa pamamagitan ng pag-iyak, nailalabas natin lahat ang mga emosyon, sakit o lungkot na ating nararamdaman at nakakabawas sa bigat ng ating iniisip, nakakatulong din ito maiwasan ang pagkasira o pagkakaroon natin ng sakit sa ating utak dahil sa sobrang pag-iisip.
2. Ang pag-iyak ay isang paraan para maipakita mo sa lahat na matapang ka at wala kang pakialam sa sasabihin o sa iniisip nila tungkol sa iyong mga kilos.
May mga oras o panahon na nakakaramdam tayo ng panghihina at nawawalan na tayo ng pag-asa kaya madalas tumatago tayo at gusto natin mapag-isa at kapag naman naramdaman natin ito na may mga kasama tayong ibang tao, kinikimkim nalang natin ito sa ating sarili at ngumingiti nalang tayo para hindi nila ito mapansin. Ngunit ang pag-uugaling ito ay hindi dapat natin sanayin dahil ang pagpigil sa ating luha ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Mas matapang ang taong madalas umiyak dahil kaya nilang ikontrol ang kanilang nararamdaman.
3. Ang pag-iyak ay isang sinyales na hindi ka natatakot sa kung ano man ang iyong nararamdaman.
Mayroong ibat-ibang dahilan kung bakit ang isang tao ay umiiyak, pwedeng siya ay namatayan ng minamahal, nasaktan, iniwan ng mahal sa buhay, nalulungkot, nagagalit o di kaya ay sobrang tuwa, pwede rin dahil sa mga malulungkot na kanta o sa ating mga pinapanuod na nakakalungkot.
Ngunit, ang pag-iyak dahil sa mga nasabing dahilan ay isang paraan para mapakita mo sa lahat ng nasa paligid mo na kaya mong lampasan at harapin lahat ng mga kinatatakutan mong maramdaman at mararamdaman pa.
Kapag isinantabi ng tao ang kanilang nararamdaman sa kaloob looban nila, pwede itong humantong sa paglalasing, pagdodruga, depresyon, sobrang pagkabahala at iba pang masasamang gawain na hindi mo na kaya pigilan pa tulad ng pagpapakamatay.
Madalas ang mga taong mahihina o takot na harapin lahat ng pagsubok sa kanilang buhay, ay madalas nagbabalewala ng nararamdaman ng ibang tao na dahilan para layuan sila, ito din ang dahilan kung bakit madalas hindi na sila binibigyan ng atensyon at hindi na pinaparamdam sa kanila ang pagmamahal at ang pagaaruga.
4. Ang pag-iyak ay nakakatulong na maging mabuting tao at kaibigan.
Kadalasan ang mga hindi inaasahan na mga pangyayari tulad ng masamang balita, aksidente at mga pagsubok da buhay ang nagpapatibay at nagpapatatag sa isang tao pati narin ang relasyon nito sa kanilang kapamilya at kaibigan.
Ang mga tao na mabilis umiyak ay sila yung madalas takbuhan at nilalapitan ng mga taong nangangailangan ng kaibigan, ng makakausap kapag sila ay malungkot at mapagsasabihan ng problema sa buhay.
Madalas ang kailangan lang talaga natin ang isang taong makakaintindi sa atin at pwede natin iyakan at sabihan ng problema sa buhay.
0 Mga Komento