Alam nyo ba na hindi lahat ng babae at lalaki ay may abilidad na magkaroon ng anak?. Ang tawag dito ay Infertility o ang hindi pagkakaroon ng anak. Walang sinyales o hindi madalas na papansin ang infertility kaya hindi masasabi na isa itong matinding talakayin. Ang infertility ay pwedeng sa lalaki o di kaya ay sa mga babae na walang kakayahang magbuntis at magsilang ng anak.
Ang infertility ay mapapansin kapag ang babae ay hindi nagbuntis sa loob ng isang taong pagtatalik sa kanyang asawa kahit na wala silang ginagamit na birth control o mga bagay na pwedeng pumigil sa pagbubuntis ng mga kababaihan. Ngunit may mga paraang ginagawa para sa nga magasawa na hirap makabuo ng bata ang una ay ang natural na pagbubuntis ngunit matagal bago makabuo o ang tulong galing sa In Vitro Fertilization (IVF)

Madaming dahilan o kondisyon ang nakakaapekto o nagdudulot ng pagka infertility ng lalake at babae. Ang mga sinyales o dahilan na ito ay pwedeng idugtong sa ibat ibang kondisyon na pwede mangyari sa atin kaya kung pakiramdam mo ay may problema ka o may kondisyon ka na hirap ka magbuntis, mainam na kumunsulta sa iyong duktor para ikaw ay mabigyan ng gamot at maalagaan ng maayos.
Narito at ating alamin ang mga madalas na sinyales o sintomas ng infertility sa mga babae:
1. Nakakaramdam ng kirot o sakit kapag nakikipag talik.
2. Pagkakaroon g problema sa regla o sa buwanang dalaw.
3. Maaring makaranas ng hirap sa pagbuo o pagbubuntia ang mga babaeng may idad 35 pataas.
4. Hormonal imbalance o pabago bagong ugali.
Narito naman ang mga dahilan ng infertility sa mga lalake:
1. Nagkakaroon ng problema sa pagpapanatili ng pagtigas ng ari.
2. Maliit at siksik na ari.
3. Pabago bago ng gusto sa pagtatalik.
4. Pagkakaroon ng problema sa pagpapaligaya ng sarili.
5. Namamaga at masakit na ari.
Ang mga nabanggit na mga sinyales o sintomas ay masusing pinag-aralan. Mas mainam pa din na kumunsulta sa mga duktor bago gawin o sundin ang mha bagay na nakapaloob dito.
0 Mga Komento