Kahit na ang maliit na bukol sa iyong ulo ay hindi sumasakit o kumakati, nakakapangamba parin ang hitsura nito. Madalas na dahilan ng mga buko na ito ay ang tighiyawat, ngunit may iba pang maaaring rason kung bakit may ganito.
Ang tighiyawat ay maaaring madevelop sa noo dahilan sa nagsamasamang mga mantika ng mukha at mantika sa hairline na syang bumabara sa pores. Pwede ring ito ay dala ng hindi masustansyang dyeta, hindi pagaalaga sa balat o di kaya’y sa panahon. Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang paraan upang mawala ang mga umbok at bukol sa noo.
1. Cold Compress
Sa lalong madaling panahon, kapag nakapansin ng mga maliliit na umbok sa noo, magcold compress agad sa bahaging ito ng noo. Ang malamig na temperature ay syang nagpapababa ng pamamaga at agarang makikita ang pagliit ng mga bukol. Ito ang dahilan kung bakit mas madali itong gumaling.
2. Pagpapausok
Ang steaming ay isa pa sa pinakaepektibong paraan upang mawala ang umbok sa noo. Tinutulungan ng steam na buksan ang mga baradong pores, tinatanggal ang impurities at hinahayaang huminga ang balat. Sa katunayan, ang init na dala ng pagpapausok ay hinahayaang malinis ng lubusan ang pores, hanggang sa pinaka loob nito.
3. Exfoliation
Upang panatilihin ang noon a walang umbok o bukol, mahalaga na palagiang magexfoliate ng balat. Ang exfoliation ay nakatutulong na tanggalin ang dead skin cells, sobrang sebum o oil, at iba pang impurities na nakakapagclog sa pores.
4. Puti ng Itlog
Ang oily skin ay isa sa pinakamalaking dahilan ng mga umbok at bukol sa noo, ito ay dahil malapit ang noo sa T-Zone na syang pinakamamantika. Upang mapigilan ang pagrami ng mantika sa iyong balat, pwedeng gamiting face mask ang puti ng itlog. Ang egg whites ay mayaman sa Vitamin A na syang epektibong pinatutuyo ang mga umbok sa balat at nakakatulong rin sa pagtighten ng tila lawlaw na pisngi.
5. Lemon Juice
Isa pang magadang lunas sa balat na mamantika na nagdudulot ng tighiyawat sa noo ay ang lemon juice. Ang citric acid sa lemon juice ay nagsisilbing astringent. Nirerestore rin nito ang pH balance ng balat na syang importante upang manatiling walang tighiyawat ang balat.
6. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay maaari ring subukan kung gusto mong mawala ang mga tigidig sa noo. Mayroon kasi itong antiseptic at antibacterial properties na tumutulong sa paggamot at pagpigil sa breakout ng tighiyawat sa balat. Nirerestore rin nito ang pH balance ng balat.
7. Tomato Juice
Ang tomato juice ay sadyang mayaman sa antioxidants na kayang pagalingin ang tighiyawat sa iyong noo. Mabuti rin ang tomato juice sa oily na balat dahil sa clarifying at astringent properties. Ang mataas na content rin nito sa Vitamin C ang syang dahilan kung bakit mainam ang prutas na ito sa mga taong palaging tinitigidig.
8. Fuller’s Earth
Upang matulungang maabsorb ang sobrang mantika mula sa mukha, subukan ang fuller’s earth, ito ay kilala rin bilang multani mitti. Dahil sa ito ay natural absorbent, tinutulungan nito na tanggalin ang excess oil mula sa balat. Dahilan ito kung bakit nagagamot at napipigilan ang mga umbok sa noo. Tinutulungan rin nito na magkaroon ng balanse ang natural na pH ng balat.
0 Mga Komento