Subscribe Us

Narito ang Limang Maling Nagagawa niyo Habang kayo ay Nakikipaghalikan sa Inyong Partner.

Ang pakikipaghalikan ay hindi na iba sa ating lahat at sa mundong ito. Ito ay isang art upang maipahayag mo ang iyong pag- ibig sa isang tao. Pero alam nyo ba na maari kayong may magawang mali habang nakikipaghalikan. Huwag nyo na isipin kung bakit hindi nya nagustuhan ang iyong halik, baka naman kasi mayroon kayong nagawang mali habang ginagawa ito.
Narito ang Limang Pagkakamali na Nagagawa ninyo Habang Nakikipaghalikan sa inyong Partner:

1. MABAHONG HININGA.
Ito ay isang malaking “turn- off” sa taong gusto nyo halikan, dapat na siguraduhin nyo na mabango ang inyong hininga bago kayo makipaghalikan. May posibilidad na ayaw na umulit makipaghalikan ng taong gusto nyo. Gumawa naman kayo ng paraan upang mawala ang amoy sa inyong bunganga. 
Narito ang dapat nyong gawin:
1. Uminom kayo ng maraming tubig araw- araw para mapanatiling hydrated ang inyong bibig at upang maalis ang mga amoy ng pagkain na nananatili sa inyong bibig.
Ang pinaka mabilis na solusyon ay gumamit ng mouthwash, bubblegum, o kaya naman mga breath freshener.
2. Iwasan din ang pag- inom ng alcohol, paninigarilyo, o pagkain ng mga malalansa ay may sibuyas na pagkain kung may plano kayo na makipagdate o makipagromansa sa inyong partner.
3. Kung mayroon din kayong mga sira sa inyong ngipin, mararapat na ipaayos na ito sa dentista dahil isa rin ito sa dahilan kung bakit bumabaho at nangangamoy ang inyong mga bibig. 
4. Laging tandaan na magtoothbrush, magfloss ng mga ngipin at isa pa ay ang paglinis o pagtoothbrush ng dila at ngala- ngala. Siguraduhing malinis ang inyong bibig bago kayo makipaghalikan.

2. MASYADONG MABILIS SA PAGHALIK.
Alam nyo ba na karamihan sa mga kababaihan ay mas gusto ang mabagal lang na pgahalik sa kanila. Huwag nyo masyadong bilisan at baka matulak nyo sila ng sobra dahil minsan nasasaktan na sila. Huwag masyadong aggresive, damdamin nyo din ung pagkakataon.
3. PAGSAMA NG DILA SA PAGHALIK.
Ang sitwasyong ito ay nakasalalay na sa inyong sariling desisyon , kayo na ang makiramdam kung tama ba na samahan mo ng dila o hindi ang halik mo sakanya.
Ang pakikipaghalikan na kasama ang dila ay dapat na hindi pinipilit , ito ay kusang nangyayari dala narin ng inyong mga emosyon.
Tingnan nyo muna ang magiging reaksyon ng inyong partner bago ito ituloy.
4. PUNO NG LAWAY NA PAGHALIK.
Kontrolin nyo ang inyong emosyon, huwag nyong hayaan na mapuno na ng laway nyo ang muka ng partner nyo. Dapat na kontrolin nyo ang inyong dila at ang laway nyo. Posibleng matakot na ulit makipaghalikan sayo ang inyong partner. Mabuting matutunan nyong makontrol ang inyong laway at lunukin nalang ito. 
5. PAG GALAW NG INYONG KAMAY HABANG NAKIKIPAGHALIKAN.
Alam nyo ba na pag galaw ng inyong kamay ay importante. Ang paghalik na hindi man lang gumagalaw ay nakakawala ng pleasure o romansa sa inyong partner. Pwede nyong hawakan ng mahinay ang muka, ulo o leeg ng inyong partner habang nakikipaghalikan upang tumaas ang lebel ng inyong romansa. Ipikit nag inyong mga mata habang nakikipaghalikan , huwag nyong hayaan na nakamulat kayo sa buong moment nyo. 
Tandaan na hinay- hinay lang sa paghawak sa inyong partner dahil baka lumakas ang inyong paghawak at matulak nyo sila.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento