Alam nyo ba na ang sintomas ng atake sa puso ng babae ay iba sa lalaki?. Ang sintomas ng sakit na ito ay masuring pinag-aralan ng mga eksperto para ito ay magamot ng wasto. Ayon sa pag-aaral nila ang mga babae ay delikadong makaranas ng sakit sa puso dahil sa hindi madaling makita ang sintomas nito. Kadalasan pa ang sintomas ng sakit sa puso ay katulad ng sintomas ng ibang sakit.
Narito at ating alamin ang ibat ibang sintomas ng sakit sa puso sa kababaihan:
1. Ang pananakit ng dibdib ay kilala bilang sintomas ng sakit sa puso ngunit mas madalas itong maramdaman ng babae kesa sa mga lalaki. Ang pananakit ng dibdib ay madalas nararamdaman sa kaliwang bahagi ng dibdib ng mga kababaehan at mas masakit ito kumpara sa nararamdamang ng mga lalaki.
2. Ang pananakit ng tiyan ay isa din sa sintomas ng sakit sa puso na hindi alam ng karamihan. Kapag naramdamang ang sobrang pagsakit ng tiyan at pagduduwal o pagsusuko, mainam na kumunsulta agad sa doktor dahil baka ikaw ay nakakaranas na ng sakit sa puso.
3. Ang pananakit ng ulo ay isa din sa kilalang sintomas ng sakit sa puso. Ang pananakit nito ay madalas maramdamang kapag tumitingin sa maliwanag at ang pulso ng puso ay mabilis na tumitibok. Madalas din itong maramdaman ng mga babaeng nakakarananas ng panananakit dahil sa migrain.
4. Ang malamig na pawis at iba sa normal na pawis dahil ito ay madalas lumalabas kapag tayo ay kinakabahan o nakakaranas ng matinding stress. Kapag nakakaranas ng cold sweat o malamig na pawis sa inyong kamay sa ilalim ng araw, kumunsulta agad sa doktor dahil baka ikaw ay nakakaranas ng sakit sa puso.
5. Mabilis at hindi mapigilang pagpintig ng puso.
6. Ang pananakit ng braso, leeg, panga at likod ay isa ring sintomas ng sakit sa puso ngunit ang mga babae lang ang nakakaranas nito at ang lalaki ay hindi. Ang mga babae ay dapat na maging maingat at magmasid dahil kapag sumakit ang inyong braso, leeg, panga at likod ng walang ibang dahilan, kayo ay nakakaranas na ng atake sa puso.
7. Ang sobrang pagod ay isa din sa sintomas ng sakit sa puso sa mga kababaehan. Kapag wala naming dahilan kung bakit ka napapagod, mainam na ikonsulta agad ito sa doktor dahil 70 porsyento ng mga babae ang nakakaranas ng sakit sa puso dahil na may sintomas ng sobrang pagkapagod. Ayon sa pag-aaral ang mga babaeng nakakaranas ng sakit sa puso ay nakakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib bago sa ibang parti ng katawan nila na dahilan para mapagod sila ng sobra.
8. Ang pagkawala ng ganang kumaen ay dahil sa sobrang pagtratrabaho ng digestive system pero hindi sya nakakakuha ng tamang bilang o dami ng dugo na dahilan para makaramdam na parang laging busog kahit walang ibang kinakain.
9. Ang hirap sa paghinga na wala ka naming ginagawang nakakapagod ay isang dahilan ng sakit sa puso dahil ang hangin o oxygen ay hindi makadaloy sa baga dahil sa mga baradong ugat sa puso.
10. Ang pagpapawis ng wala kang ibang ginagawa o wala kang ginagawa para pagpawisan ka ay isa sa pinaka dapat pagtuunan ng pansin dahil isa ito sa pinakasimpleng paraan para malaman na may sakit ka sa puso.
11. Pagkakaroon ng problema sa Digestive. Ayon sa pag-aaral ang ga babae ay nakakaranas ng pagsusuka, pagkahilo at digestive disruption ng ilang buwan kumpara sa mga lalaki dahil ito sa mga fats sa mga ugat na kumukunekta sa puso dahilan para kumunti ang bilang ng dugo dito.
12. Ang sobrang pagkabahala, sobrang takot, at sobrang stress ay isa din sa sintomas ng sakit sa puso.
13. Ang Chronic Cough ay ang sobrang likido sa ating baga na hindi madaling gamutin na kapag lumala ay nagdudulot ng plema ay dugo.
14. Ang pagduduwal ang pinakamaagang sintomas ng sakit sa puso dahil ito sa mga komplikasyon at mga pamamaga sa loob ng tiyan na dahilan para mawalan tayo ng gana kumaen na nagreresulta sa pagsusuka o pagduduwal tuwing tayo ay kumakain.
15. Ang pamamaga sa mga tuhod at tiyan ay isa ding sintomas at sinyales na mayroong problema ang ating puso at ang mga ugat ng nakakonekta dito.
Narito ang listahan ng mga dapat iwasan o hindi dapat gawin para maiwasan ang sakit sa puso:
1. Iwasan ang paninigarilyo.
2. Magehersisyo palagi.
3. Laging bigyan ng pansin o imonitor ang kolesterol sa katawan.
4. Uminom ng mga bitamina o gamot para sa kalusugan.
5. Pagpapanatili ng normal na presyon ng dugo.
6. Iwasan ang sobrang stress.
7. Iwasan ang sobrang pagkunsumo ng calorie
0 Mga Komento