Ang dahon ng pandan ay may siyentipikong pangalan na Pandanus amaryllifolius ay isa sa kilalang halamang gamot sa Southeast Asia ngunit ito din ay ginagamit na panlahok sa pagkain dahil sa taglay nitong masarap na amoy.
Pano nga ba nagagamot ng dahon ng pandan ang sakit na arthritis at iba pang klase ng mga pananakit sa ating katawan? Narito at ating alamin kung paano ito ginagamit na panggamot at kung ano ang paraan ng paggamit nito.
Ang arthritis ay isang kilalang sakit ng mga matatanda ito ay ang pananakit ng kasukasuan ng ating katawan. Ang sintomas nito ay nawawala ng kusa pero madalas ay depende sa kung gaano kalala ito.
Narito ang mga sintomas ng sakit na arthritis:
1. Pamamaga ng mga kasukasuan
2. Pagkabagal ng kilos.
3. Pananakit ng mga kasukasuan
4. Paninigas
Ang tsaa na mula sa dahon ng pandan.
Ang dahon ng pandan ay nagtataglay ng alkaloids na mainam na panlaban sa ibat ibang uri ng sakit o kirot sa ating katawan tulad ng pananakit ng ulo, tenga, kasukasuan o arthritis. Ayon sa pag-aaral ang tsaa ng mula sa dahon ng pandan ay nakakatulong mabawasan ang nararamdamang sakit.
Narito ang mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng tsaa at ang paraan kung panu ito gawin.
Mga dapat ihanda:
1. Kaserola na paglulutuan o paglalagaan ng mga sangkap
2. Dahon ng Pandan
3. Lalagyanan na may takip
Paraan ng paggawa ng tsaa:
1. Lagyan ng 2/3 na malamig na tubig ang kaserola at pakuluan ito.
2. Kunin ang dahon ng pandan at taliin ito lahat ng mabuti. Ang dami ng dahon ng pandan na gagamitin ay depende sa gusto nyong tapang ng amoy nito dahil mas madami mas maganda gamitin.
3. Ilagay ang dahon ng pandan sa kumukulong tubig.
4. Pakuluan ang dahon ng mga limang minuto. Hinaan ang amoy at iwan ito ng sampung minuto hanggang lumambot ang dahon at magkulay berde ang tubig.
5. Alis ang dahon ng pandan at palamigin ang pinakuluang tubig. Ilipat ang juice sa lalagyanan kapag ito ay malamig na. Imbakin ang juice sa ref sa loob ng pitong araw.
Narito ang iba pang benepisyo ng tsaa na mula sa dahon ng pandan.
1. Ginagamit na pang detox.
2. Nakakatulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo.
3. Nagbibigay ng enerhiya sa mga nanay.
4. Ginagamit na panggamot sa pulikat.
5. Nakakatulong sa pagpapababa ng lagnat.
0 Mga Komento