May mga bagay na madalas nating ginagawa na hindi natin alam ay may malaki palang epekto sa ating katawan at kalusugan. Tulad nalang ng mga bagay na nakakaapekto sa kalusugan ng maseselang parti na ating katawan lalong lalo na sa maselang parte o ang ari nga babae. Ang ari ng babae ay isa sa pinakamahalaga at sensitibong parte ng katawan kaya kahit sobra ang atensyon na ibibigay mo sa pag-aalaga dito hindi parin maiiwasan na minsan na magkaroon ng problema ito.
Narito ang limang bagay o gawain na nakakaapekto o masama sa ari ng babae:
1. Ang pag-upo sa upuan ng bisekleta ay nagdudulot ng pagsikip ng mga ugat na syang dahilan ng hindi maayos na pagdaloy ng mga dugo papunta sa ari ng babae. Ito ay maaring magresulta sa pamamanhid, pagkirot at minsan ay pagkawala ng sensayon sa pagsasama nyong mag-asawa.
2. Ang pagamit ng maduming underwear ay pwede magdulot ng impeksyon sa yeast ng maselang parti ng katawan ng tao dahil sa dala nitong mikrobyo at bakterya. Para maiwasan ito siguraduhin na laging bago ang sinusuot na underwear lalo na kung napapawisan ng sobra ang maselang parte+ ng katawan.
3. Ang paglagay ng hikaw sa ari ng babae ay hindi lang masakit, pwede din ito magdulot ng problema sa ating kalusugan. Ang balat sa maselang parte ng babae ay puno ng mga harmless na bakterya ngunit kapag ito ay nagkaroon ng sugat dulot ng hikaw pwede ito magresulta sa malalang impeksyon. Dagdag pa dito ang problema sa pagpapanatili ng kalinisan ng maselang parte ng ating katawan dahil sa mahirap itong linisin dahil ito ay may hikaw.
4. Ang mga prutas at gulay. Gumagamit ba kayo ng mga prutas o gulay tulad ng pipino o iba pang prutas o gulay na may hugis pahaba at pabilog na pandagdag sa kasiyahan sa pagtatalik nyong mag-asawa?. Kung oo dapat nyo na itong itigil, kahit na ito ay organic nagdudulot pa din ito nga mga bakterya na dahilan ng impeksyon sa ari ng babae na kung tawagin ay Bacterial Vaginosis.
5. Ang sobrang pagamit ng sabon ay pwedeng magdulot ng pangangati sa maselang parte ng ating katawan. Ang sabon ay magandang panlinis ng ating katawan ngunit kadalasan ito ay masyadong matapang para gamitin sa balat ng maselang parti ng ating katawan. Mas mabuting gumamit ng mga sabon na wala masyadong pampabango at pampakulay ngunit may mga ekspertong nagsasabi na mas mainaw na hugasan lang ang ating ari ng tubig kaysa gumamit ng kung anu anung produkto na may kemikal.
Ang maselang parte ng ating katawan ay nagdudulot sa ating ng kaligayahan ngunit madalas hindi natin naibabalik ang binibigay nitong ligaya sa atin dahil narin sa mga pang-araw araw nating ginagawa dito na hindi natin napapansin ay nagdudulot na pala ng problema. Ang mga nabangit na gawain na nakakapagpapalungkot sa ari ng babae ay masuring pinag-aralan , mas mainam pa din na ikonsulta ang mga duktor tungkol sa mga nararamdamang mali sa maseselang parte ng inyong katawan.
0 Mga Komento