Marahil ay madalas na nagsasabi ang inyong lola ng mga mabisang halamang gamot na makapagtatanggal ng sakit. Subalit hindi ito madalas na ginagamit dahil ang mga gamot sa botika ay nagdudulot ng mabisang epekto sa katawan.
Ngunit ang hindi alam ng nakararami, ang mga gamot sa botika ay may mga ‘side effects’ at maaaring makasira ng ating atay. Sa halip na gamot sa botika, mas mainam na uminon ng halamang gamot dahil hindi lamang sa ginagamot nito ang sakit, ito ang nagdudulot di ng magagandang epekto sa ating kalusugan.
Ito ang sampung natural na gamot na nakapagbibigay lunas sa iba’t ibang impeksyon.
1. Vitamin C.
Maliban sa ito ay nagpapaganda ng kutis, ito ay mainam na gamot. Ang bitaminang ito ay matatagpuan sa mga prutas na tinatawag na Citrus Fruits, tulad ng pinya, orange, at lemon. Ito ay nagpapalakas sa immune system upang panlaban sa sakit tulad ng lagnat at sipon.
2. Sibuyas.
Ito ay isang importanteng sangkap sa pagluluto at ito ay mabisang gamot din. Ang sibuyas ay nagpapagaling ng sipon, ubo, lagnat at mainam na pain reliever.
3. Bawang.
Ito ay gamot sa lagnat, sipon at pati na rin sa pananakit ng ngipin. Gumamit ng hilaw na bawang at kainin ito upang mas epektibo. Nawawala na ang sustansyang taglay nito kapag ito ay niluto.
4. Manuka Honey.
Ay honey na ito ay nagmumula sa New Zealand at isa ding mainam na gamot bilang antibiotic. Ito ay mabigat man sa presyo ngunit may napakaraming sustansya.
5. Luya.
Hindi lamang ito nagpapaganda ng boses, ito ay mabisang gamot sa pagsususka, mananakit ng tiyan, ubo at lagnat. Maari din itong lunas sa pananakit ng buto at katawan. Para sa mga butis at nagnanais magbuntis, iwasan ang pagkain ng luya.
6. Cinnamon o Kanela.
Ang Cinnamon ay mabisang lunas sa mga diabetic. Pinapababa nito ang blood sugar at nakakatulong sa pagiwas na magkaroon ng diabetes.
7. Horseradish o Labanos.
Ang labanos ay mabisang gamot sa mga may UTI, bronchitis at kidney stones. Nakapagbibigay enerhiya ito kaya naman mainam din ito gawing vitamins. Pwede ito kainin ng hilaw, o ishake upang maging juice. Nakakatulong dito ito sa digestion at mabuting pagdaloy ng dugo.
8. Apple Cider Vinegar.
Ito ay may sustansya na malic acid at maaaring gawing antibiotic. Nakakatulong ito makalunas sa pamamaga ng lalamunan at nagtatanggal ng bakterya.
9. Eucalyptus.
Ito ay isang halamang gamot na nagpapaganda ng kutis. Maaari din ito gawing tsaa upang maging gamot sa ubo at pangtanggal ng fungi.
10. Buto ng Grapefruit o Extract of Grapefruit seeds.
Ang buto ng lukban ay mabisang pamatay ng bakterya at fungi. Mas mainam na haluan ito ng tubig upang mabawasan ang tapang.
0 Mga Komento