Maraming mga paraan upang tayo ay magpapawis at magpapayat. Pero mayroong mga nagtatanong, nakakaburn rin ba ng calories ang pakikipagtalik?
Hindi kasing rami ng iniisip mo, ngunit maaari kang magburn ng calories kung gagawin mo ito sa mainam na paraan. Isang pagaaaral ang nagpatunay na ang sex ay nagbuburn ng 100 calories sa mga kalalakihan. Isang team mula sa University of Montreal ang nagkumpara ng calorie expenditure ng pagtakbo laban sa pakikipagtalik. Ayon dito mas mainam paring ang jogging kesa sa sex. Ang mga babae ay nakakaburn ng 213 calories sa loob ng 30 minutes na light jogging, samantalang 276 naman sa kalalakihan. Sa pakikipagtalik naman, 101 lamang sa lalaki at 69 naman sa mga babae. Ang average nito ay 3.6 calories kada minuto tuwing nakikipagtalik
Bakit nga ba mas mainam na workout ang sex para sa mga lalaki? Ang mga lalaki ay mas mabigat ang timbang kesa sa mga babae, dahil dito ang paggamit ng enerhiya ay mas mataas rin para sa parehong ehersisyong ginagawa. Mas aktibo rin kadalasan ang lalaki kumpara sa babae tuwing nakikipagsex.
Kahit na hindi ang sex ang best workout sa daigdig, mainam parin na makapagburn ng 70 hanggang 100 calories tuwing nakikipagtalik sa iyong partner. Ngunit hindi ka pwedeng palagiang dumepende rito.
Ang sex session sa pagaaaral na nabanggit ay kadalasang nagtatagal ng 25 minuto kasama na ang forplay. Ito ay mas matagal kesa sa pangkaraniwan. Isang pagaaaral ng New England Journal of Medicine ang nagpatunay na ang average sex ay nagtatagal lamang ng 6 minuto. Hindi pa rito kasama ang foreplay.
Ang mga bedmates sa pagaaaral na ito ay may edad na 23 taong gulang, kung kaya’t mas mayroong enerhiya at gigil kumpara sa ibang tao. Isang pagaaaral ng American Journal of Cardiology ang nagpatunay na ang pre-orgasmic stage ng sex ay nangangailangan lamang ng kaunting enerhiya, mas kaunti pa sa paglalakad.
Lalo na sa mga mas matatandang magpartner na matagal na sa kanilang relasyon, madalas ang sex ay madalian lamang at hindi na umaabot ng 25 minuto. Ngunit ang maganda rito ay ikaw ang syang may kontrol sa iyong sex life. Ang calories na nabuburn ng isang session ng pagtatalik ay iba sa nabuburn ng ibang session.
Kung ikaw ay pawisan at hinihingal sa pagtatapos nito, malamang eh mas marami kang naburn na calories. Ayon sa mga mananaliksik, mas mainam na nasa ibabaw kesa sa ilalim kung gusto mong magburn ng mas maraming calories.
Kahit hindi nagbuburn ng gaanong rami ng calories ang iyong sex life, ito ay nakabubuti parin para sa iyo. Ang regular na pakikipagtalik ay may kinalaman sa mas mababang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser at napapaganda rin ang mental health pati na ang mood ng isang tao. Ito ay dahil sa nagbibigay ito ng feel-good chemicals sa iyong katawan. Ang pakikipagtalik rin ay mas nagpapaganda sa kalidad ng tulog ng isang tao.
0 Mga Komento