Nararanasan nyo ba ang paglalagas ng inyong buhok kapag kayo ay naliligo o nagsusuklay?.
Lahat pala tayo ay nakakaranas nito, ngunit ang normal na bilang ng mga hibla ng buhok na dapat lang maglagas sa atin bawat araw ay 50 hanggang 100 lang. May mga tao na sobra ang paglalagas ng buhok yung iba ay nakakalbo na.
Ayon sa pag-aaral ang madalas sanhi ng paglagas ng buhok ay lahi nyo, karamdaman, pagbubuntis, pag-inom ng gamot , ang paraan ng pagkain, malalang impeksyon, pagbabawas ng timbang, paggamot sa sakit na kanser, paggamit ng mga produkto para sa buhok, pagkakaroon ng problema sa panunaw, pagpapaopera, tuluyang pagtapos ng regla at stress.
Ngunit huwag mabahala dahil mayroon din naman mga natural na sangkap na pwedeng gamitin para mapasigla ang buhok, mapalago at mapatibay ng hindi mo kailangan gumastos ng sobra.
Narito ang listahan ng natural na sangkap upang tumubo ang buhok:
1. Honey o Pulot.
Ang pulot ay nakakatulong mapalambot ang buhok, maiwasan ang paglalagas, mabisang pangpalago at pangpatibay ang mga follicles nito.
2. Langis ng Castor.
Ang ricinoleic na asido na taglay ng langis ng castor ay tumatagos sa layer ng ating balat at follicles ng buhok. Binabalanse din nito ang halaga ng PH, at tumutulong maiwasan ang paglagas ng buhok at pagkakaroon ng balakubak.
3. Egg yolk o Dilaw ng itlog.
Ang dilaw ng itlog ay nagtataglay ng mga bitamina E, fatty acids, at protina na dahilan ng mabilisang paglago ng buhok at nakakatulong maiwasang ang pagkakaroon ng mga bunga sa buhok.
Paraan:
1. Kumuha ng 2 kutsarang castor oil, 1 kutsara ng pulot at 1 itlog.
2. Ihalo ang lahat ng sangkap sa maliit na lalagyanan at haluin.
3. Ilagay ang pinaghalo halong castor oil, pulot at itlo sa anit, sa buhok hanggang sa dulo nito.
4. Kumuha ng pantakip sa buhok gaya ng shower cap, balutin ito at iwan ng 2 hanggang 4 na oras.
5. Hugasang mabuti, gawin ito dalawang beses sa loob ng isang linggo at sa ilang buwan para sa matibay, makapal at magandang buhok.
0 Mga Komento