Maraming gusto ang leftovers o tirang pagkain – ito ay dahil sa madali itong initin at pwedeng kainin kung nagmamadali. Ngunit, ang pagiinit ng pagkain ay maaari ring makasama. Ayon sa mga eksperto, mayroong mga pagkain na hindi dapat iniinit kung gusto mong pangalagaan ang iyong kalusugan.
May mga pagkain na pwedeng initin ng mga ilang beses, mayroon ring pagkain na dapat hindi na iniinit kahit kelan. Ang pagkonsumo ng ilang iniinit na pagkain ay maaaring magdulot ng seryosong panganib sa iyong kalusugan.
Ang mga sumusunod ay ang Apat na leftovers na hinding hindi dapat iniinit:
1. Gulay.
Ang hindi pagtago ng maayos at paginit ng mga gulay ay hindi lang mapanganib kundi fatal pa. Ayon sa Center for Food Safety, ang mga tira-tirang gulay ay dapat nakatago sa -4C. Kung balak mo na itago ito ng mas matagal, ilagay ito sa freezer.
Ang spinach, beets, lettuce, at kinchay ay nagtataglay ng mataas na lebel ng nitrates na nagdudulot ng problema kung maeexpose sa room temperature. Ayon sa pagaaaral, ang nitrate ay nagdudulot ng methemoglobinemia sa mga bata, isa itong kakaibang blood disorder na may sintomas gaya ng seizure, hirap sa paghinga, at fatigue.
2. Vegetable Oil.
Ang pagiinit ng pagkaing mayroong vegetable oil ay sobrang delikado at kalakip ng pagtaas ng panganib sa sakit sa puso, stroke, at kanser. Ayong sa pagaaaral, ang pagiinit ng polyunsaturated oils na nagtataglay ng linoleic acid (sunflower oil, canola at corn oil) ay nagrerelease ng 4-hydroxy-trans-2-nonenal (HNE), isa itong toxin na mula sa fatty acids na syang nagdadala ng panganib sa iyong kalusugan.
Ang toxic compound na ito ay nagdudulot ng sakit sa puso, problema sa atay, Alzheimer’s, Huntington’s Disease, at kanser. Ang vegetable oil ay sadyang dapat gamit ng isang beses lamang at hindi dapat initin.
3. Manok.
Ang laman ng manok ay nagtataglay ng maraming protina, kaya naman kung iinitin sa pangalawang pagkakataon, ang komposisyon nito ay nagbabago patungo sa pagiging delikado. Ang pagiinit sa malamig na laman ng manok ay maaari kung ang loob nito ay mainit.
Ito ay partikular na mahalaga kung gumagamit ng microwave, na minsan hindi iniinit ng pantay ang mga pagkain. Dapat ring alalahanin na ang laman ng manok ay dapat ubusin ng hindi lalampas sa 2 araw.
4. Kanin.
Ang kanin ay dapat tinatago ng maigi kung gusto mong manatiling malusog. Ayon sa Food Standard Agency, ang uncooked rice ay nagtataglay ng spores ng mga mapanganib na bacteria na maaaring mabuhay sa unang pagluluto. Kung ang kanin ay tinago sa room temperature, ang mga spores na ito ay rarami at magdudulot ng iba’t-ibang uri ng digestive problems. Ang spores ay nabubuhay kahit pa initin itong muli. Kaya naman ayon sa mga eksperto, magluto lamang ng kanin na kakainin. Kung mayroong tira-tira, ilagay ito sa freezer.
0 Mga Komento