Ang Lemongrass ay isang herbal na halaman na mayroong payat at mahabang dahon na tumutubo lang sa mga Asian na bansa. Ang amoy nito ay halos magkapareho sa amoy ng lemon na prutas na siyang eksplenasyon ng panagalan nitong “Lemongrass”.
Totoo na ang lasa nito ay may kaunting pagkakaiba sa lemon sapagkat ito ay mas matamis at mas mild lamang.
Ang halamang ito ay tinatawag ding “Fever grass”, na ginagamit sa kultura ng Asian. Ito rin ay nagtataglay ng maraming sustansya katulad nalang ng Bitamina C at A, zinc, folic acid, magnesium, manganese, calcium, potassium, copper, phosphorus, vitamin B, at iron.
Narito ang mga Health Benefits na tinataglay ng Lemograss:
1. Ginagamot nito ang Arthritis.
Ang Herbal na halamang ito ay mainam bilang panlaban sa pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan. Nakakatulong ito upang maibsan ang mga sakit na gout, arthritis, rheumatism, joint problems, and osteoarthritis.
Ang lemongrass ay tumutulong sa pagbagal ng aksyon ng enzymes na siyang dahilan ng pananakit at pamamaga ng kasukasuan o joints sa ingles.
2. Nilalabanan nito ang Ubo, Lagnat at Sipon.
Ang herbal na ito ay may malakas na panlaban sa fungal at bakterya. At dahil dito Nilalabanan nito ang pagkakaroon ng lagnat, ubo at sipon.
Gayunpaman, nagtataglay ito ng maraming Vitamin C na siyang nagpapatatag sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan. Pinapababa nito ang posibilidad sa pagdapo ng anumang impeksyon sa ating katawan.
Mainam din itong gamot sa baradong lalamunan ng malapot na plema. Pinapaginhawa nito ang inyong paghinga sa pamamagitan ng pag-alis ng plema sa lalamunan. Gayunpaman, pinapagaling nito ang mayroong sakit na Asthma at bronchitis.
3. Nilalabanan nito ang sakit na Kanser.
Ang halamang ito ay mabisa at epektibo bilang panlaban sa pagkalat at pagdami ng kanser cells sapagkat ito ay mayaman sa “antioxidants” na siyang nagpapababa ng tyansa na magkaroon ng kanser ang isang tao.
4. Kinokontrol nito ang lebel ng kolesterol sa loob ng iyong katawan.
Ang herbal na ito ay mabisa at mainam sa pagtanggal ng bara at pag-iwas sa pagbuo ng kolesterol sa mga ugat ng ating katawan. Tumutulong rin ito upang dumaloy ng maayos ang ating dugo. Gayunpaman, ito ay mabisa sa pagbaba ng lebel ng kolesterol ng ating katawan.
Ayon sa isang pag- aaral, ang indibidwal na umiinom ng 140mg ng lemongrass ay nagkaroon ng pagbaba ng kolesterol lebel sa kanilang mga dugo.
0 Mga Komento