Alam nyo ba na karamihan sa atin ay may parasite sa loob ng katawan, ngunit may mga natural ng paraan para matanggal ito. Ang pagpapalakas ng ating immune system ang isa sa dapat nating tutukan kung gusto natin matanggal ang mga parasites sa ating katawan at magagawa natin ito sa tulong ng mga halamang gamot.
Ang mga sintomas na mayroon kang parasites sa loob ng katawan mo ay ang, pagkakaroon ng problema sa panunaw, pangangati ng pwet, paglalaway habang natutulog, pag-ngangalit ng ngipin, ulcers, sakit sa balat tulad ng eczema, pagkati ng mga bibig at ilong, pagkakaroon ng problema sa memorya, hindi mapaliwanag na pagkagutom, pananakit ng ulo at iba pa.
Narito ang mga halamang gamot na pwedeng makatulong sa pagalis ng mga parasites sa ating katawan.
1. Papaya.
Ito ay pumapatay sa mga tapeworm at parasites. Ang buto ng papaya ay madami din dalang benepisyo sa ating katawan. Kumuha lang ng buto ng papaya at durugin ito, kumuha ng isang kutsara ng dinurog na buto ng papaya at ihalo ito sa langis ng nyog at sa gata ng nyog. Inumin ito araw araw sa loob ng isang linggo.
2. Bawang.
Ang bawang ay isang uri ng natural na antibiotic at ito ay pumapatay ng benti na uri ng mga bakterya at 60 uri ng fungus at ibat-ibang uri ng mga mikrobyo. Pinapatay din nito ang mga parasites at nagkokontrol sa mga inpeksyon. Para gamitin ang bawang durugin lang ito hangang sa lumabas ang katas o ang langis nito.
3. Luyang dilaw.
Ang luyang dilaw ay tumutulong maiwasan ang pamamaga at ang pagkakaroon ng cancer. Ihalo lang ito sa langis ng nyog at paminta.
4. Buto ng pipino.
Ang buto ng pipino ay nagtataglay ng enzymes na nakakatulong para maialis ang mga bulate sa ating digestive tract tulad ng tapeworm. Para gamiting ang buto ng pipino, durugin ang heirloom nito hanggang sa maging pulbos sya at kumuha ng isang kutsarita nito at ihalo ito sa tubig inumin ito araw araw.
5. Clove.
Ang clove ay mabisang panggamot sa mga sakit tulad ng tuberculosis, kolera, malaria, sakit sa balat at mga fungi.
6. Buto ng kalabasa.
Ang buto ng kalabasa ay lason sa mga itlog ng parasites dahil ito ay nagtataglay ng natural na fat. Ito ay ginagamit sa China na panggamot at pang alis ng tapeworm sa ating katawan. Kumuha ng kalahating baso ng buto ng kalabasa at durugin ito, ihalo ito sa mga inumin o pagkain.
7. Luya.
Ang luya ay nagpapaganda ng daloy ng ating dugo, nagpapaganda sa ating panunaw, nakakagamot sa pagkahilo. Ito din ay nakakatulong sa pagpapaayos ng produksyon ng asid sa ating tiyan na dahilan para maiwasan ang pagkakaroon ng inpeksyon at mga nakakamatay na parasites.
0 Mga Komento