Ang pag-upo pala ng matagal ay may masamang epekto sa ating katawan. Ayon sa pag-aaral ito ay hindi lang nakukuha ng matatanda ngunit masama din ito sa mga kabataan at mga bata lalo na sa mga kababaihan.
Sa mga nakakatanda ang pag-upo ng matagal ay pwede magdulot ng problema sa mga ugat sa binti na dahilan ng pagbabara ng mga dugo na tumutuloy sa pagtaas ng presyon ng dugo at pagkakaroon ng sakit sa puso.
Narito ang mga masamang epekto ng pag-upo ng matagal sa ating katawan.
1. Pagkasira ng mga organ o lamang loob.
Ang pag-upo ng matagal ay pwede makasira o magdulot ng problema sa ating mga organ tulad ng ating puso, pancreas, panunaw at sa ating kolon.
• Ang matagal na pag-upo ay pwede magresulta sa pagbagal ng pagdaloy ng dugo at pagtunaw ng mga fats na pwede magdulot ng mga bara ng mga ugat sa ating puso.
• Pwede din magdulot ang matagal na pag-upo ng kanser sa kolon, suso, baga, uterine at endometrial.
• Ang pag-upo din ng matagal ay may masamang epekto din sa ating digestion, dahil kapag ikaw ay matagal nakaupo ang iyong kinain ay naiipit na dahilan para bumagal ang pagtunaw dito na pwede magdulot ng kabag, paninikip ng dibdib at hirap sa pagdumi.
2. Mahigit sa tatlong oras na pag-upo.
Ayon sa pag-aaral ang mga babae na umuupo ng sobrang tagal o lampas sa tatlong oras ay mas nagkakaroon ng sakit sa puso. Para maiwasan ito kinakailangan na ang mga babae ay tatayo, gagalaw at maglalakad kahit mga sampung minuto o mahigit bago umupo ulit. Ganun din dapat ang gawin ng mga bata o kabataang babae dahil ayon sa pag-aaral walang pinagkaiba ang matandang babae na umuupo ng matagal sa batang babae na umuupo din ng matagal dahil pareho lang na naiipit ang kanilang mga ugat sa binti.
3. Pag-iwas sa pag-upo ng mahigit sa tatlong oras.
Ang ating katawan ay ginawa o dinisenyo para gumalaw galaw at maging aktibo sa anumang gawain sa loob ng isang araw kaya kapag tayo ay nakaupo lang buong araw o mahigit tatlong oras, makakaranas tayo ng mga hindi magandang pagbabago o pakiramdam sa ating mga katawan.
4. Pagkakaroon ng problema sa iyong postura.
Ang problema sa iyong postura ay dahilan ng pag-upo ng matagal ang ilan sa mga problemang ito ay, pagsakit ng batok at ng balikat at pagsakit ng likod.
5. Pagkakaroon ng problema sa muscle.
Ang hindi paggalaw ng madalas at pagupo ng matagal ay nagdudulot ng problema sa ating muscle. Pwede din ito magdulot ng problema sa ating balakang at hita.
6. Pagkakaroon ng problema sa ating utak.
Ang pagtratrabaho ng ating utak ay bumabagal dahil ang ating katawan ay humihinto sa paggalaw dahil sa tagal nating nakaupo. Kailangan dumaloy sa ating utak ang mga sariwang dugo at hangin na napipigilan ng pag-upo ng matagal dahil naiipit ito at nahaharangan.
7. Pagkakaroon ng problema sa binti.
Ang pag-upo ng matagal ay pwedeng magdulot ng pamamaga ng bukong-bukong at pagkakaroon ng barikos. Pwede din ito magdulot ng paghina ng ating buto dahil sa kakulangan natin sa paggalaw at ehersisyo.
0 Mga Komento