Subscribe Us

Pisilin lang ang Parte ng inyong katawan na ito, at Siguradong Giginhawa ang inyong pakiramdam at Matatanggal ang mga kirot na inyong Nararamdaman sa iba’t ibang parte ng Katawan.

Ang acupressure ay isang uri ng theraphy na galing pa sa bansang Tsina ilang libong taon na ang nakakaraan. Ang theraphy na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglagay ng pressure o diin sa mga lugar na kung saan nakapuwesto ang mga nerves o importanting ugat ng katawan, ang tawag dito ay meridian points. Sa pamamagitan nito, makakatulong ng malaki ang theraphy na pagalingin ang mga klase ng mga sakit.
Sa kabilang banda naman, ang pinagkaiba ng acupressure sa acupuncture ay ang paggamit karayom sa paggagamot samantalang ang acupressure ay naka dipendi sa pagpindot ng mga daliri sa mga piling lugar ng katawan. Ang acupressure ay ginagawa upang mawala ang pananakit ng mga kasukasuhan at laman. Habang ang acupuncture ay isinasagawa para sa kalusugan at kagandahan ng tao.
Isa ang acupressure na pinaka mainam na theraphy para sa mga may problema sa pananakit ng katawan at problema sa kalusugan. Makakalunas ito sa sakit sa ulo, pananamlay ng katawan, at pakiramdam ng pagsusuka. Kaya may ibang tao na buong pusong pumipili sa ganitong gawain upang makatulong sa kanila.
Benepisyo ng Acupressure sa Kalusugan.
Ang Acupressure points ay makikita sa mga palad at talampakan dito nakalagay major points samantalang ang minor points naman ay makikita sa ibat’ibang bahagi ng katawan. Sa palad ng kamay makikita ang mga points o puntos na konektado sa puso, baga, kidneys, mga mata, atay, thyroid gland , sinus at utak. Narito naman ang mga benepisyo na makukuha sa acupressure.
1. Makakatulong para sa mga naduduwal.
May mga taong nakakaranas ng pagsusuka o naduduwal at maraming dahilan nito. Narito ang mga dapat gawin upang makatulong maiwasan o magamot ang paduduwal.
Ang dapat gawin:
Pindutin ang gitnang parte ng braso.
Sa pamamagitan nito ang pakiramdam ng paduduwal ay dahang dahang mawawala. Makakatulong din ito sa mga taong nasa byahe at maiiwasan ang ganitong pakiramdam.
2. Para sa mga may problema sa pantunaw.
May ilang tao na may problema sa pantunaw at karamihan dito hindi nakukuha ang sapat na sustansya mula sa kinakain nila.
Ang dapat gawin:
Sa pamamgitan ng pagpindot sa gitnang bahagi ng katawan ay tiyak na makaktulong sa inyong digestion. Gawing panukat ang anim na daliri mula sa taas ng pusod at dalawang daliri sa ibaba naman ng ribs ay tiyak na makukuha ang tamang tansya ng gitnang bahagi ng katawan.
3. Para sa sakit sa ulo.
Ang sakit sa ulo ay isang sintomas na may problema sa kalusugan. Ang pananakit ng ulo rin ay nakakadisturbo sa konsentrasyon at pang araw araw na gawain.
Ang dapat gawin:
Sa parte ng palad, pindutin lamang ang gitnang bahagi ng hinalalaki at hintuturo ng kamay.
4. Makakatulong para sa may mga buwanang dalaw.
Buwan buwan halos ang mga kababaihan ay nakakranas ng problemang pananakit mula sa menstuation o buwanang dalaw. Sa pamamagitan ng acupressure ay makakatulong upang mabawasan ang pananakit nito.
Ang dapat gawin:
Pindutin lamang ang loob o kurbadang bahagi ng tuhod para mawala ang pananakit.
5. Sakit sa leeg.
Sa pananakit ng leeg, pindutin lamang ang bandag likuran ng ulo sa pamamagitan ng dulo ng hinalalaki upang matangal ang pananakit ng ulo.
6. Nahihirapang sa pagdumi.
Ang konstipasyon ay isang uri ng problema sa tiyan na nahihirapang umutot at dumumi. Sa pamamagitan ng pag himas ng tiyan papunta kaliwa na paikot na direksiyon sa loob ng 150-300 na ulit ay tiyak na makakatulong upang lunasana ang konstipasyon.
7. Insomnia.
Ang acupressure ay makaktulong sa mga may problema sa pagtulog. Tulad ng bisa ng reflexology theraphy, may kakayahan din ang acupressure para tulungan ang isang taong may insomia.
Ang dapat gawin:
Pindutin lamang tiklupan ng kamay o Wrist na kalinyada ng hinliliit na daliri. Gawin ito araw araw para makuha ang bisa.
8. Pamamaga ng binti o paa.
Kung namamaga ang paa o binti. Pindutin lamang ang gitnang bahagi ng talampakan.
Paunawa:

May mahahalagang benepisyo ang accupuncture massage ngunit ito ay isinasagawa ng may pag iingat.
1. Hindi kailangan diinan ng sobra ang bandang suso ng babae.
2. Huwag munang gawin ang theraphy sa mga buntis na babae lalo na kung ito ay nasa ikatlong ka buwanan pa lamang.
3. Hindi kailangan gawin ang acupressure sa mga may malalang sakit o katagalang sakit.
4. Huwag gumawa ng theraphy sa loob ng apat na oras sa mga taong kakain o kaiinom pa lamang ng gamot, pagakian, inumin at herbal na gamot.
5. Huwag gawin ito sa mga may chroic arthritis, cancer, cataract, tumor at varicose veins.
6. Huwag basta basta gawin ang acupressure sa mga bata na ginagawa din sa mga matatanda.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento