Alam nyo ba na ang luya at ang malunggay kapag pinaghalo at ginawang inumin ay may magandang epekto at benepisyo sa ating katawan?. Ayon sa pagaaral, matagal ng natuklasan na ang luya at malunggay ay mabisang panlaban sa mga sakit.
Ang malunggay ay isang halamang gamot na mabisang panggamot sa mga pamamaga, sa mga sugat at mabisang panggamot sa mga sakit tulad ng kanser. Nagtataglay ito ng mga mineral tulad ng calcium, potasyom, copper, iron at magnesium na lumalaban at nakakatulong para maiwasan ang sakit na anemia.
Ang malunggay din ayon sa pag-aaral ay nakakatulong mabasan ang kolesterol ng ating katawan. Ang dahon nito ay ginagamit na panggamot sa sakit ng ulo at migraine at maganda din ito sa mga tao madalas makaranas ng pagtaas ng dugo, sa mga may ulcer at pangtanggal ng asid sa tiyan. Nakakatulong din ito na panggamot sa sakit sa atay at sa pagpapanatili ng magandang kalusugan ng atay.
Ang luya ay madalas ginagamit na panglasa sa mga pagkain at panlaban sa mga sakit sa tiyan tulad ng pagtatae, nagpapababa ng lebel ng sugar sa ating dugo na sanhi ng sakit na diabetes at pag-ubo. Nirerekomenda ang luya sa mga taong mabilis mahilo sa byahe, ang dapat lang gawin ay kumain ng luya tatlong oras o isang oras bago sumakay sa barko, eroplano o kotse.
Nakakatulong din ito maiwasan ang pagsusuka pagkatapos gamotin ang mga taong may kanser at ng mga buntis para mawala ang pagkahilo at pagsusuka, pero dapat ito kainin ng wala pang laman ang tiyan.
Paraan ng paggamit ng malunggay at luya.
Kumuha ng 85 gramo ng luya ung sariwa, sampung dahon ng malunggay, isang kutsaritang pulot at apat na baso ng tubig.
Gayatin ang luya at pakuluan ito sa tubig sa loob ng sampung minuto. Patayin ang apoy at ilagay ang dahon ng malunggay sa pinakuluang luya at tubig. Takpan ang kaserola ng limang minuto pagkatapos ay salain ang tubig at lagyan ng pulot. Uminom nito isang baso bawat umaga at isa din bawat gabi bago matulog.
0 Mga Komento