Mahilig ka ba mageksperimento? Yung paghahaluin mo ang ibat ibang klase ng pagkain? Katulad ng isang eksperimento gamit ang isang inumin na may soda at mentos na nagdulot ng kemikal reaksyon.
Ang prosesong ito ay maikukumpara sa isang pangyayari na naganap sa isang pagdiriwang sa Chongqing ng bansang China. Isang lalake ang nakaramdam ng labis na pagsakit ng tiyan na tila puputok na dahil sa sobrang pagkain ng instant noodles at paginom ng soda.
Ayon sa balita na nasagap ng Chongqing Times, isang lalake na nagngangalang Xiao Cao ang kumain at nakaubos ng dalawang supot ng instant noodles, dalawang bote ng inumin na may soda at tsitsirya na gawa sa patatas ng siya ay magutom ng dis oras ng gabi. Ayon sa pag-aaral ang mga klase ng pagkain na kinain ni Ginoong Cao ay hindi magandang kainin sa gabi dahil pwede ito magdulot ng pananakit ng tyan o mas malala ay kamatayan.
Hindi alam ni Ginoong Cao na ang madalas nyang pagkain ng instant noodles at paginom ng soda sa gabi ay nagdulot ng kemikal reaksyon sa kanyang tiyan na sanhi ng sobrang pananakit at paglaki ng kanyang tiyan. Nagdulot din ito ng sobrang gas sa kanyang tiyan dahilan para gumamit ang mga duktor na gumamot kay Ginoong Cao ng hose o tubo para lumabas ang nasabing gas sa loob ng kaniyang tiyan.
Ayon sa guro sa syensa at pagkain ng Chongqing Technology and Business University, kapag pinaghalo ang inumin na carbonated o may soda sa instant noodles ito ay nakakasama sa ating kalusugan dahil ang soda ay may asido at ang instant noodles ay nagtataglay ng alkaline na dahilan para tumaas ng sobra ang asido sa ating tiyan.
Dagdag pa ng guro na nawawala o naaalis ang gas sa ating digestive system sa pamamagitan ng pagdighay o pag burp ngunit sa kaso ni ginoong Cao, iba ang nangyari nangyari sa kanya.
Ngayong nalaman nyo ang masamang epekto ng pinaghalong instant noodles at inumin na soda, nanaisin nyo pa rin ba na kainin ito ng sabay? Mas makakabuti kung ang nasabing pagkain ay tuluyan ng huwag kainin.
0 Mga Komento