Mahilig kaba kumain ng manok? Anongg parte ng katawan ng manok ang iyong paborito mo? Alam mo ba na ang karne ng manok ay isa sa pinaka mabiling karne sa palengke?. Madami ang bumibili ng manok dahil mas mura ito kumpara sa karne ng baboy at baka, ngunit, mayroon tayong mga bagay na dapat malaman tungkol sa manok.
Ayon sa isang video na ibinahagi sa atin ng Compassion, binabalaan nito ang mga tao sa sobrang pagkain ng karne ng manok at ayon pa dito, ang mga manok ay inaalagaan at pinapalaki sa madumi, masikip at magulong lugar para sa mga hayop. Ayon pa sa pag-aaral ang manok ay nagtataglay ng problema sa kanilang kalamnam, dahilan para magkaroon sila ng mas madaming bilang ng fats kumpara sa ibang karne.
Minsan mapapansin nyo na may mga karne ng manok na may mga puting linya lalo na sa bandang dibdib nito, ito ay isang patunay na ang manok ay inalagaan at pinapalaki sa pabrika. Ang puting linyang ito ay nagdudulot ng problema sa kalamnan ng mga manok na nagreresulta sa mababang klase ng karne, sobrang dami ng bilang ng fat na tinataglay nito kumpara sa dami ng protina.
Sa kabilang banda, may mga pag-aaral din na nagsasabi na walang masyadong masamang epekto ang puting linya sa karne ng manok. Ang karne ng manok ay isa sa pinagkukunan ng protina dahil ito ay nagtataglay ng maraming bitamina B at iron hanggat hindi ito piniprito at hinahaluan ng mga iba’t- ibang sangkap na pangprito.
Ngunit sa kabila ng kanilang pag-aaral tungkol sa maganda at masamang epekto ng manok sa katawan at kalusugan ng mga tao, hindi parin maipagkakaila na taon taon madaming manok ang hindi naalagaan ng maayos at hindi rin ito nabibigyan ng tamang pagkain na kailangan nila sa araw araw.
0 Mga Komento