Subscribe Us

Basahin rito ang Anim na Magandang Benepisyo ng Pag- Utot.

Nahihiya kaba na umutot? Nahihiya kaba na baka ito ay mabaho at maamoy ng ibang tao at ikaw ay tawanan o pandirihan? Hayaan mo sila, sabihin mo sa kanila na ito ay nakakatulong sa iyong kalusugan.
Ang pag-utot ay may magandang naidudulot sa ating kalusugan, hindi man ito magandang pakinggan o mabango amoyin pero ito ay sobrang mahalaga para sa atin.
Ayon sa pag-aaral ang utot ay nagtataglay ng 7{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} methane, 4{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d}oxygen, 9{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} nitrogen, 21{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} hydrogen, 9{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} carbon dioxide ay 1{7e1bb135313ae259dc3e82ec87c7a12d2fe834f813bb683b46045423cd1dd37d} hydrogen sulfide na syang nagbibigay ng amoy sa utot.
Ayon sa pag-aaral ang oras na madalas tayong umutot ay habang tayo ay natutulog. Ang mg pagkain na sanhi ng ating pag-utot ay mga pagkaing mataas ang carbohydrates tulad ng mani, patani, patatas, mga pagkaing mayroong dairy, oats at mga wheats. Para maiwasan ang sobrang pag-utot kumain lang ng asukal pero ito ay hindi maganda sa ating kalusugan kapag hindi tayo umuutot.
Ayon pa sa pag-aaral ang madalas umutot at may mabahong utot ay ang mga kababaihan kumpara sa mga lalake kahit na pareho lang sila ng kinain.
Narito ang mga benepisyo at dahilan bakit ang pag-utot ay maganda sa ating kalusugan:

1. Nakakatulong sa pagbalanse ng ating diet. 
Ang pag-utot ay nakakatulong para malaman nating kung tama ba o balance ang ating diet dahil ang ating katawan ang syang humuhusga sa mga pagkain na ating kinakain. Kapag ikaw ay kumain ng karne ang utot mo ay sobrang baho, pero kapag naman ang kinain mo ay puro carbohydrates, may kunting amoy lang ang iyong utot.

2. Nakakatulong sa kalusugan ng ating colon. 
Ang pagpigil ng utot ay nakakaapekto sa ating colon at hemorrhoids. Sa mga taong may problema sa colon pinapayuhan ng mga doktor na huwag pigilan ang utot.

3. Nakakatulong malaman kung meron bang allergy sa pagkain. 
Ang pag-utot ay nakakatulong para malaman natin kung meron ba tayong alergy sa mga pagkain na kinain natin. Kapag tayo ay kumain ng pagkain na mayroon pala tayong alergy doon ay uutot tayo ng madalas pagkatapos natin un kainin.

4. Nakakatulong sa kalusugan ang pag-amoy ng ating utot. 
Marahil marami sa ating ang umaamoy ng kani-kanilang utot, mabaho man ito o walang amoy. Ang hydrogen sulfide na taglay ng utot ay nakakatulong maiwasan ang mitochondrial na syang sumisira sa ating mga cells. Nakakatulong din ito maiwasan ang pagkakaroon ng stroke, sakit sa puso at arthritis.
5. Nakakaiwas sa paglobo ng tyan. 
Ang pag-utot ay nakakatulong mailabas ang mga gas sa loob ng ating tyan na sanhi ng paglobo nito o bloating.

6. Nakakatulong maiwasan ang pananakit ng abdominal o tyan. 
Ang pagpipigil sa utot ay pwede magdulot ng pananakit ng abdominal o ng tyan. Para ikaw ay mautot imasahe mo lang ang iyong tyan, ito ay nakakatulong para ang gas ay dumaloy sa digestive system mo.
Ang pag-utot ay nakakaginhawa ng pakiramdam kaya dapat wag natin itong pigilan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento