Ang pagtatalik ay nagbibigay ng saya at sarap sa mag-asawa ngunit nagdudulot din pala ito ng pananakit sa maseselang bahagi ng katawan lalong lalo na sa kababaehan. Maraming posisyon sa pagtatalik ang nagdudulot ng mga pananakit na marahil ay hindi natin alam.
Ang mga nasabing sakit ay pinag-aralang mabuti ng mga eksperto at narito ang listahan ng ilan sa kanilang natuklasan na pwedeng maramdaman o nararamdaman na ng karamihan sa atin.
1. Pagkatanggal o naalis na condom.
My mga pangyayari na habang nasa kalagitnaan kayo ng pagtatalik ng iyong asawa ay biglang nawala o natanggal ang condom na suot nito na dahilan para ikaw ay mataranta. Huwag magalala dahil madali lang itong makuha kung ito ay naiwan sa loob ng pwerta ng babae. Dukutin lang ito gamit ang isa o dalawang daliri nyo o sa inyong asawa. Iwasan ang mataranta o magisip ng kung anu anu dahil pinapasikip lang nito ang daanan sa inyong pwerta na dahilan para mahirap itong makuha.
2. Vaginal tears.
Ang vaginal tears ay kadalasan nangyayari kapag ang babae ay nakipagtalik ng hindi pa masyadong madulas ang parti na kung saan pumapasok ang ari ng lalake. Para maiwasan ito siguraduhin sa tuwing magtatalik kayo ng asawa mo dapat madaming likido ang lumalabas sayo para dumulas ang pinapasukan ng ari ng asawa mo.
Ito ay mabilis naman gumaling kahit pa ang oras lang ang pagitan ng pagtatalik ng magasawa ngunit kapag mahigit dalawang araw na ang lumipas at hindi pa din nawawala ang pagdurugo dulot ng vaginal tears mainam na ikunsulta na ito sa inyong duktor.
3. Penile fracture o pagkabali ng ari ng lalake.
Ang ari ng lalake ay hindi pwedeng magkaroon ng bali dahil wala itong boto ngunit ang pagkabali nito ay nangyayari kapag ito ay tumitigas at pinipilit na itupi na dahilan para masira ang daluyan ng dugo nito. Kapag habang kayo ay nagtatalik ng inyong asawa at tila may narinig kayo na parang may nabali at nakaramdam si mister ng pananakit sa kanyang ari, marahil sya ay nakakaranas ng penile fracture.
Kumuha agad ng yelo at ilagay ito sa ari ni mister at dalhin agad sya sa malapit na ospital para masuri at magamot agad ito ng duktor. Ang penile fracture ay bihirang mangyari sa lalake pero ito ay madalas nangyayari kapag ang babae ang nasa itaas ng lalake, kaya mag-ingat ng mabuti sa susunod na gawin ang posisyon na ito.
4. Vaginal soreness o paghahapdi ng ari ng babae.
Ito ang madalas na sakit na nangyayari kapag nakikipagtalik ang babae sa lalake kaya pinapayuhan ang mga kababaehan na baguhin ang posisyon sa pakikipagtalik. Para gamutin ito, pwedeng bumili ng gamot na pangpatigil ng sakit o painkiller sa botika tulad ibuprofen o di kaya ay lumublob sa maligamgam na tubig.
5. Anal tears.
Katulad ng vaginal tears ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng anal tears , ang pinagkaiba lang nila ay ang lugar kung saan pinapasok ang ari ng mga lalake.
Ang anal o ang pwet ay sadyang hindi naglalabas ng likido na pampadulas na dahilan para magkakaroon ng anal tears, ang iba ay gumagamit ng mga artipisyal na pampadulas para madali itong mapasukan ng ari ng lalake. Ang anal tears ay dapat gumaling sa loob ng isa o dalawang araw dahil kung hindi, mainam na ikunsulta agad ito sa inyong duktor. Ang tissue sa ating pwet ay manipis kaya madali itong pasukin ng mga mikrobyo o bakterya kapag ito ay napunit. Mas malalang sakit din ang pwedeng maidulot nito tulad ng gonorrhea at HIV, kapag hindi agad ito magagamot.
Ang ilan pa sa mga pananakit sa ating katawan ang pwede maramdaman kapag nakikipagtalik ay ang mga sumusunod:
1. Pamumulikat o pamamanhid ng ating mga kalamnan ay dahil sa matinding pakikipagtalik sa inyong asawa. Para maiwasan ito, lagi dapar kayong magpapalit ng posisyon ng inyong asawa para hindi laging isang posisyon ang ginagamit nyo.
2. Pananakit ng ulo ay dahil sa madilim na paligid at kayo ay nauuntog sa mga gamit na malapit sa lugar na kung saan kayo ay nagtatalik.
3. Pagkabali ng mga daliri ay dahil sa mga posisyon sa pagtatalik na kinakailangang nakabali ang katawan.
4. Atake sa puso. Ito ay madalas na nangyayari kung ikaw ay inatake na noon pa. Mas mainam na kumunsulta muna sa duktor bago gawin ang ibat ibang nakakapagod na posisyon sa pakikipagtalik.
5. Rug burns ay dahil sa pakikipagtalik sa mga magagaspang na higaan o lugar maliban sa kama.
0 Mga Komento