Madami naba kayong puting buhok? Alam nyo ba kung anung sanhi nito at kung kelan ito tumutubo?.
Ang pamumuti ng buhok ay madalas dahil sa pagtanda ngunit mayroon din ibang dahilan, pwedeng dahil sa lahi o di kaya naman ay sa sobrang pagkulay o pagtina ng buhok. Ang pagtina ng buhok ay madalas ginagawa para mapalitan ang mga buhok na pumuputi na, minsan naman ay dahil lang sa gusto maiba ang kulay ng buhok ngunit ang hindi natin alam lalo ala nitong pinapaputi ang ating buhok.
Ayon sa pag-aaral, mayroon mga natural na paraan para mapaganda at maibalik sa dating kulay ang mga namumuti ng buhok. Narito at ating alamin ang magandang epekto ng katas at balat ng patatas at kung pano ito ginagamit na pangkulay ng buhok.
Mga sangka na sapat ihanda:
1. Anim na pirasong patatas.
2. Apat na basong mainig na tubig.
3. Salaan.
4. Mga langis na may mabangong amoy o essential oil (optional o kung gusto lang idagdag).
5. Lalagyan kung saab pwedeng ihalo lahat ng sangkap.
Paraan ng paggawa at paggamit:
1. Ilagay sa kaserola ang apat na basong tubig. Balatan ang anim na patatas, ilagay ang balat nito sa kaserol at pakuluan ito sa loob ng 25 minuto at palamigin ng 15 minuto.
2. Salain ang pinakuluang tubig na may balat ng patatas at itapon ang balat.
3. Patakan ito ng essential oil o langis na may mabangong amoy at palamigin ang pinakuluang tubig.
4. Gamitin ito tuwing naliligo.
5. Ipahid ito sa buhok hanggang anit ng mga ilang minuto bago ito banlawan ng malamig na tubig. Pwede ding iwan ito ng matagal sa buhok , ibalot lng ito ng shower cap at banlawan bago matulog.
Ang pamamaraan na ito ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kulay ng buhok., mas mainam na gumamit ng natural na pampakulay kaysa sa mga may kemikal.
0 Mga Komento